Chapter 11-REM.

6 0 0
                                    

"So how are you?"tanong niya habang nasa starbucks kami.Libre niya to kaya okay lang.Haha.Titipid muna ako.


"Fine. how do you know me?"


"Secret"Tss.Kung maka secret close na tayo?"How are you and ment?"tiningnan ko siya.Bakit naman napasali dito yun?


"Okay lang din.Friends?Or getting to be close pa lang?"di ako sure eh.


"Ahh"


"Diba ex ka ni Ment?"ngumiti siya at para bang natuwa sa sinabi ko.


"Yah.Yun nga yung sadya ko dito"ha?"I want to be with him again"


"Eh?"sabi ko.


"Oo.Gusto ko lang sanang tulungan mo ako"Close na ba kami para humingi siya ng tulong?

Oh well.

Pag tinulungan ko 'to mawawala na sa kadumihang isip ni Ment ang tungkol sa pagmomoveon ko kay Earl..

Ano?Go na?


"Ahm..—"


"Tara."may biglang humila sa akin palayo kay Rose.At kilala ko kung sino yun.


"Earl."Hila-hila niya lang ako..Alam nyo ba ang deal sakin?

Yun yung feeling na 'ngayon niya lang uli ako hinawakan'

Gusto ko siyang hawakan pabalik.


"Sa susunod wag mo siyang kakausapin"walang reaction niyang sabi ng tumigil kami sa tapat ng NBS.Nakatingin siya ng diretso sa akin.Naiilang ako.Pano?Hawak niya pa din yung kamay ko.


"A-ah"tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko.Mukhang nagulat naman siya dun.


"Sorry.Basta kung pwede iwasan mo siya."naglakad na siya paalis.Mukhang pupuntahan niya si Rose.Huminga ako ng malalim.Hinawakan ko yung kamay na kanina ay hawak-hawak niya lang.Ang init nito.Ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.Walang pagbabago ang feelings ko.Paano ako makakamove-on?

Tutulungan nga pala ako ni Ment.At dahil ayoko sa planong yon kaylangan kong sundin si Rose.Pero si Earl na mismo ang nagsabi.Iwasan ko si Rose.

Pag humiling pa naman siya sinusunod ko.

"Anong sinabi niya sayo?"tanong sakin ni Ment habang nasa kotse kami..Sinundo niya ako syempre..Nakilala na din siya ni Papa.Nung una hindi niya nagustuhan pero ewan ko.May pinagusapan kasi yata sila habang naliligo ako kaya ayun nagustuhan naman ni Papa.

At bakit nga pala ganun yung term ko?Parang ang feeling ko ay Boyfriend ko siya na hindi magustuhan ni Papa.Tsk.

"Wala naman."kahit nagpapatulong siya sakin na magkabalikan kayo.


"Totoo?"huminga ako ng malalim.Hindi ako sanay magsinungaling.


Stuck in own planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon