Chapter 6-Unfair

13 1 0
                                    

"Oh Kunyare oo.Anong gagawin mo?"natigilan ako sa sinabi niya.


"Edi tatawa.Kunyare lang pala eh.HAHAHA!"I laugh.


"Pano kung sinabi kong oo,totoo?"bakit ba ang seryoso niya?


"Edi wow!"yun na lang ang sinabi ko tsaka tumayo.


"Tara.Uwi na tayo"dagdag ko pa.

----

"Aeron naman!Umayos ka!"'sabi ko sa kanya.

Si aeron nga pala ang ex ng ate ko. Ahm not 'ate' actually.Parang ganun lang.Naging close kami nito kasi ako pa ang tumutuong sa kanya nun para mapansin ni Ate Anne.Ang torpe niya kasi.Who knows na mutual pa lang yung nararamdaman nila?

Kung hindi lang dahil sakin wala pang confession na magaganap.TSk.

"So ayun nga.Diba sabi mo?Friendship lang kaylangan niya?"Tumango ako.Sinabi ko kasi sa kanya yung nangyari samin kanina ni Mentos.

Nasa Iloilo nga pala sila ng family niya ngayon.Ewan ko ba dyan.Kaya ayun hanggang skype lang kami.

Diba sa mga stories or movies,pag break na ang isang realsyon nagaabroad yung isa para makalimot?Eh siya?Nasa Iloilo.Mayaman naman sila ng family niya eh.Marami din silang business dito sa Pinas.Malakas lang talaga trip niya.

"Eh kasi naman Aeron..Bestfriend siya ni Earl.Pano kung may balak lang pala sila?"yan yung pumasok sa isip ko kanina pagkahatid sakin dito ni Ment.


"Edi try mo muna.Malay mo wala naman."


"Pero kasi ganun yung nararamdaman ko eh"ininom ko naman yung Coke incan na nakita ko lang kanina sa ref.

"Ewan ko sayo.BTW nasan si Lois?"he asked.Ang alam ko kasi may gusto ito kay Lois.


"Magtigil ka nga!Pagkatapos ni Ate Anne Si lois naman!Suntukin kita dyan eh!"


"Sige nga try mo.HAHAHAA"inirapan ko lang siya."Selos ka lang eh!"dagdag pa niya na ikinasamid ko.


"Talon pa sa balon!"


"HAHAHAHA!"bigla naman siyang tumahimik.


"Kamusta kayo ni Earl?"May topak talaga to.Kanina tawa ng tawa ngayon seryoso.


"Masaya"sabi ko.Tumango naman siya.Alam naman nya yung ibigkong sabihin.Ganun kasi kami.Kung ano yung sinabi,kabaligtaran talaga nun ang ibigsabihin.Matrip eh no?

"Eh siya?Kamusta?"


"Ayun may syota.Si jan remember?"tumahimik siya na para bang inaalala kung sino nga si jan.


"Ahh yung magandang matangkad na maputi"


"Oo.yung opposite ko!"yan kasi ang lagi niyang sinasabi sakin.Opposite daw kami.Maganda naman ako ah?Di nga lang ganun kaputian.Tsaka normal ang naman yung height ko..Maliit ba ako?Kung ang height ko ay halos dibdib lang ni Ment?

Stuck in own planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon