Chapter 5-Friend

10 2 0
                                    

Nakangiti pa siyang lumapit sakin.Halata namang nagaasar.

"Wala man lang hi/hello.Good morning.Welcome sa bahay ko.Tuloy ka...?"


"Yeah whatever.Bakit ka nga nandito?"


"Wala lang"bigla naman siyang pumasok sa bahay namin.


"Hoy aba!"dumiretso kaagad siya sa kusina at kumain nang naandun since hindi pa ako tapos magbreakfast kanina.


"Nakikikain ka pa talaga!Hindi ka welcome dito!"


"Okay lang"saka niya sinubo yung isang hotdog dun.San ka naman nakakita ng taong ganyan.Ni hindi ko nga siya kaclose tas bigla na lang papasok sa bahay at makikikain?My GOD!


"Oh Moerina----"napatigil sa pagsasalita si Yarie(yaya marie)nang Makita ang aswang na'to.


"Ah yarie!hindi ko siya kilala!"


"Ah naku maam---"


"Hindi.Kilala niya po ako.Magka-ibigan po kami"kinindatan niya si Yarie.At anu daw?!MAGKA-IBIGAN?!

Tumingin naman sakin si Yarie saka ngumiti.

"Ah ganun ba?Siya sige dun muna kayo sa sala iimisin ko lang to"sumunod naman ang kumag.


"Yarie hindi po talaga!"nakataas pa yung kanan kong kamay.Ngumiti naman ng nakakaloko si Yarie.Argh.Bahala na nga!


"Ano nga kasing ginagawa mo dito?!"binato ko siya ng unan.Nasa sala naman kami at nakaupo ang aswang ..Feel na feel naman ang pagkakaupo.


"wala nga"huminga siya ng malalim"Kwarto mo?"turo niya dun sa may kwarto na may halong color pink yung pinto.

O-Oh.

"A-ah.H-Hindi!"bigla naman siyang tumaas sa hagdanan at binuksan yung pinto.Hinabol ko siya.


"Huy ano ba?!!!"pero huli na dahil nakita na niya yung kwarto ko.Ayoko pa naman ng may nakakakita nito except kina Ley at syempre kina Papa At yarie.Hindi naman makalat yung kwarto ko.Ayoko lang talaga ng may napasok dito.


"Pink lover huh?"pumasok siya dun sa loob at humiga sa kama ko.Ang kapal ng hayup!


"Oy umalis ka nga dyan!"pilit ko siyang hinihila.


"Your room is nice.Pero lagyan mo naman ng konting black para pede na akong makatulog dito"hinampas ko siya.He chuckled.Ano ba naman kasing pinagsasasabi nito?


"Pero seryoso for the 4th time,anong ginagawa mo dito"hindi ko alam pero medyo nawala yung pagkairita sa boses ko.


"Wala nga.Pampalipas oras"


Stuck in own planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon