"Si Earl?Siya yung tipo ng lalaki na...Sweet.Caring.Loyal.Feeling ko nga nasa kanya na lahat yung gusto ko sa isang lalaki eh.Haha.Ayaw niya na nagtatampo ako or nagagalit sa kanya.Gusto niya bati lang kami lagi.Tanda ko pa nga nun,hindi niya ako naibili ng donut hindi ko siya nun pinansin nun kasi pinagiisipan ko pa yung kung sasama ko sa birthday ni Lola sa Batangas.Akala niya dahil sa donut kaya ako nagalit.Alam mo kung anong ginawa niya?"tiningnan ko si Ment"Kahit 10 na ng gabi pumunta pa siya sa bahay tapos ang dami niyang dalang donut.Haha.As in ang dami"napapangiti ako.
"Ayaw niya pag may kinakausap akong ibang lalaki bukod sa kanya at kay papa syempre.Baka daw kasi maagaw ako sa kanya.Sabi ko pa nga nun di dapat siya magworry kasi hindi naman ako magpapaagaw...Caring siya kasi kahit masakit lang yung ulo ko..inaalagaan niya ako.Siya yung bumibili sakin ni Biogesic.Siya na din yung nagkokopya ng mga notes ko kasi baka daw mapagod ang ako.Ang bait niya no?Honest siya na kahit tatae lang siya sinasabi pa niya sakin.Natawa pa nga ko nun dahil dun.Pero yung sagot niya?Para daw masanay na ako na ganun siya...na lahat ng bagay tungkol sa kanya ay sasabihin niya kasi ayaw daw niyang magsinungaling sa ginagawa niya."
"Mahal mo siyang talaga no?"I smile sadly.Nagaabangan na yung mga luha sa mata ko.
"Oo naman......Gusto ko nga siyang ipaglaba—"
"No.Masasaktan ka lang."
"Okay lang..Ganun naman yun diba?Sa love,you'll take the risk.Kahit ano pa yan,basta mahal mo ipaglalaban mo"
"You're not ahero"yeah I know
"Yun na nga eh.Hindi ako bayani.Nagmamahal lang ako."
"Mahal ka ba niya?"natigilan ako sa tanong niya.
Mahal naman ako ni Earl diba?Minahal naman niya ako diba?Alam ko yun kasi ramdam ko yun.Naramdaman ko yun.
"Syempre oo!Mahal niya ako!"kahit..."Minahal niya lang ako"I whispered.tumulo na ang luha ko.
Ang sakit kasing isipin na hindi na niya talaga ako mahal.
Na yung feelings ko para sa kanya at yung mga pinagsamahan namin ay memories na lang talaga.
"That's it!He used to love you!......Used to"Pinahid ko agad yung mga luha ko.
"Oo nga.......Tara na"tama na.Wag mo ng ipagpilitan pa.
Kinabukasan hindi ako sinundo ni Ment.Nakakainis,Pumasok ako ng school ng magisa.
"Hi."napatingin ako sa lalaking sumabay sakin sa paglalakad.
"Hi?"
"remember me?"
"Ahm?Ah?Rem?"
"Nice!"ahh si Rem nga.
BINABASA MO ANG
Stuck in own plan
Genç KurguA guy help her to moveon.Paano kung palabas lang nila yun?