Chapter 4-Ganyan ka naman eh

17 0 0
                                    

"Hoy picturan mo nga ako para may silbi ka!"

"Aray!Hanggang tagapicture lang ako!"umarte pang nasasaktan si George.

Nandito naman kasi kami sa Rive lake at naisipan magbike.Wala siguro trip lang.Kakauwi nga lang kasi ni Eira diba?So ayun namiss namin ng sobra.Dapat nga lang kami lang ang makakasama niya kaso sumama naman ang mga aswang na'to.YAH.Aswang na lang tawag ko sa kanila.Mas bagay pa.

"Gumanda ka"sabi ulit ni George saka sinapok ni Eira habang tinitingnan nila yung mga shots.

Nakaupo lang ako sa bench habang nagkukulitan silang lahat.Nakakamiss nga naman itong gantong scenario.Kumpleto na ulit kami.

"Paupo"nagulat naman ako ng Makita ko si Earl na nakaupo na sa tabi ko.Ang lakas ng tibok ng puso ko.After 2 months..ay mali..Magti-three na pala ay hindi pa kami nagkakalapit ulit ng ganito.Napailing naman ako sa inisip ko.Baka anytime ay masabi kong wag na siyang umalis at dito na lang sa tabi ko</3

Kinuha ko na lang yung phone ko at naglaro ng Candy Crush.Kahit hindi ko naman ito nilalaro dahil hindi ako makaalis sa level 78,ay kaylangan kong libangin ang sarili ko.Hindi ko muna siya kayang kausapin.

"Hi."pero bakit niya ako kinakausap?Teka?Ako nga ba?Pano kung may kausap pala siya sa telepono o kung ano man?

"Hindi ka talaga namamansin?"tumingin ako sa kanya at nakitang sakin pala siya nakatingin.So ako nga yung kausap niya?

Tinuro ko siya at yung sarili ko habang nakataas ang kilay.He chuckled.

"Oo ikaw nga."awkward na ngiti muna ang naibigay ko bago mag hi.Bakit ba parang hangang hanga ako na kinakausap niya ako.

But damn!I missed his voice!

Tumahimik ulit at sina ley lang ulit yung naririnig namin.

"....... kamusta?"para akong nanlambot nang marinig ko ang isang salitang yon.Bakit siya ganyan?Bakit ang dali lang para sa kanya na kausapin ako na para bang walang nangyari?Bakit.....

Bakit parang ang sakit?

Masakit talagang marinig ang salitang 'kamusta' lalo na sa taong minahal mo ng sobra-sobra.

Tumingin ako sa kanya since kanina ay nakatingin ako sa unahan.Nakayuko lang siya.Iniwas ko ang tingin ko at sinubukang siglahan ang boses.

"Eto....okay lang........."saka ko isinubo yung vfresh na binili ko kanina.ganto ako pag kinakabahan"Getting better"kahit hindi.

"A-ahh"What?Yun lang ang sasabihin mo?Sarili ko na pinlastik ko pa para makausap ka yan lang sasabihin mo?Sh*t!

"Guys uwi na tayo"tumayo naman ako at tatakbo na sana ng marealize kong nakaupo pa din dun si Earl.

I faced and went back to him.

Buti pa ako kahit sobrang tanga binabalikan ka.

"Uy aalis na daw.Tara na!"

Dahan dahan niya inangat yung ulo niya at tumingin sakin ng seryso.Naiilang ako.Pero dapat nga sanay na ako.

Ang cold niya kasi.

He suddenly smiled na para bang bata na nagtatampo at binigyan lang ng candy kaya sumaya na ulit.

"Tara!"nauna naman siyang maglakad habang ako ay tinitignan lang yung likuran niya na palayo na sakin.

"Ganyan ka naman eh.Ikaw yung unang lumapit tas bigla na lang mangiiwan"I almost whispered.

-----

Stuck in own planTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon