Chapter Seven Prt. 1

916 15 0
                                    

Samantha Alexis Go's Point of View:

Magtatanghali na pero ayoko paring lumabas ng kwarto ko. Natutuliro kasi ako shet. Ewan ko kung anong nangyayari sakin at nagkakaganito ako ngayon araw dahil lang sa buset na Ivan na yun!

Kinuha ko yung stuff toy na binigay nya sakin dati. Ang pangit nga lang ng memory ng stuff toy na to kasi nung araw na to nagpasa din sya sakin para layuan sya ng isa sa mga babae nya. Tss.

"Hoy ikaw, ang panget mong buset ka. Ano ba naman kasing naisipan mo at ginawa mo yung..yung kagabi! Aish ewan ko sayo bahala ka sa buhay mong bakulaw ka!" inis kong ihinampas sa kama yung stuff toy. Natigilan lang ako sa pagtotorture sa kawawang stuff toy nang biglang may nahulog doon. Kwintas. Tiningnan ko kung saan nahulog yung kwintas, may bulsa pala sa loob tong stuff toy na to? Bat ngayon kp lang nakita? Tas sa loob non meron pang sulat.

"Oy ayan na, ibinili na kita wag mo na kong'sasabihang kuripot kasi hindi ako kuripot. Langya, wala akong allowance ngayon grounded ako diba? Tsk kahit wala ako sa tabi nila mama grounded parin ako. 2 months pa! Di kita inililibre nung mga nakaraang araw kasi ayan, inipon ko yung natitirang allowance sakin non, para dyan sa kwintas na yan. Ilang date ang di ko sinipot dahil dyan! Kaya pag yan iwinala mo babatukan talaga kita ng malakas."

-Ivan

Kinuha ko yung nahulog na kwintas, eto yung gustong gusto kong kwintas dati na ipinipilit ko kay Ivan na ibili ako. Inaway ko pa sya non tas sinabi kong pagdating sa mga babae nya ang bilis nyang gumastos pero pagdating sakin ang kurikuripot nya. Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Waah! Akala ko hindi nya pinansin tong kwintas yun pala..Waah! Kelangan kong magsorry!

Lumabas ako ng kwarto para sana hanapin si Ivan kaso lang wala nang tao. Pumunta ako sa kusina at nakita kong may panibagong post it sa ref.

Alis muna ako Sammy. Ingat ka lagi balik din ako agad.

-Ivan

Di ko alam pero parang bigla nalang akong kinabahan na ewan. O masyado lang akong nakokonsensya sa pinagsasabi ko kay Ivan? Baka nga. Psh, magsosorry naman ako mamaya pagbalik nya ee. Kaya yaan na maayos din to.

Pumunta ako ng kwarto, ano nang gagawin ko ngayon? Ni isa walang tao dito sa bahay. Wala naman akong masyadong kaclose...Si Kevin!

Dali dali akong nagpunta sa study table ko at kinuha ang cellphone tapos dinial ko yung number ni Kevin. Wala pang dalawang ring nang sagutin nya yung tawag ko.

"Hello." sagot nya, napansin kong parang bagong gising lang sya kasi parang pabg bedroom voice yung narinig ko. Aba at himala, tinatanghali na pala sya ng gising ngayon?

"Kevs! Waaah nasan ka?! Nasaaaan kaaa?! Kelangan ko ng makakausap ngayon!" sigaw ko narinig ko pang napamura sya ng mahina na ikinatawa ko naman.

"Sammy for Pete's sake! Umagang umaga nambubulabog ka." wow, ang sungit ata nya? May mense ba sya ngayon? Haha!

"Hello Mister Vargas, Alas dose na po ng tanghali wala ka pang balak bumangon? Ano bang nangyari sayo at parang masama timpla mo?" tanong ko sa kanya kasi natunugan ko na rin na medyo badtrip sya kaya tigil muna tayo sa hyper mode.

"Sorry Sam, masama lang pakiramdam." sabi nya na medyo umayos na yung boses. Medyo nakaramdam naman ako ng pagalala kaya tinanong ko na kung nasaan sya kaya sinabi nyang nasa dati nyang condo.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon