Chapter Nine: Part Three

492 7 1
                                    

Ivan France dela Flores'Point of View

"Yan, kain pa." sabi ko habang nilalagyan ko pa ng kanin yung pinggan ni Sam. Tiningnan nya naman ako ng nakabusangot. Kaya napatawa ako ng mahina, "May mga gagawin tayo mamaya kaya kelangan mong kumain ng marami." sabi ko sa kanya,  at sinalinan ko ng juice yung baso nya. "Busog na ko ee. Ang sakit na ng tyan koooo!" halos paiyak,na nyang sabi kaya natawa na talaga ako, pati yung mga kasambahay na nakapalibot samin narinig kong bumubungisngis na.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong nya habang pilit na kinakain yung mga inilagay ko sa plato nya, kinuha ko yung iba doon at inilagay sa plato ko. "Tagaytay." sagot ko, at sumubo ng kanin. Tiningnan nanaman nya ko ng nakakunot ang noo. Hilig na talaga nyang pakunutin noo nya no? haha "Alam mo, kapag laging nakakunot ang noo pumapanget." sabi ko habang kumakain pero sa kanya ako nakatingin. Bigla naman nyang inalis yung pahkakakunot ng noo nya. Napailing nalang ako, Ayaw na ayaw nya ngang nasasabihan ng panget. Haha.

Nang matapos kaming kumain, sinabi ko kay Sam na magpalit ng damit para mas komportable sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang matapos kaming kumain, sinabi ko kay Sam na magpalit ng damit para mas komportable sya. May mga damit kasi dito mga pinsan kong babae, pagnagpupunta sila dito. Pinasamahan ko nalang sya kay Ate Pat, isa sa mga pinakabatang kasambahay dito. Habang ako, pupunta ako sa kwarto ko pqra maligo at para narin makapagpalit ako.

Pagdating ko doon, imbis na dumiretso ako sa banyo napatingin ako dun sa sketchbook ko na nasa study table. Kinuha ko yun at binuklat, natatawang napailing nalang ako. Ngayon ko lang narealize na ganto ko na kamahal yung babaeng kasama ko ngayon, hangang sketchpad ko sya ang laman, paniguradong pag nakita nya to, iisipin nyang napakacreepy ko. Kaya naman inilagay ko yun sa drawer ko at inilock yun.

Dumiretso na ko sa banyo at naligo. Habang naliligo ako, di ko maiwasang tingnan yung mga pasang nasa katawan ko. Biglangbnawala yung saya ko sa mukha nang maalala ko yung huling sinabi ni Mama. Kahit kelan talaga gusto nilang sila lang ang nasusunod. Gusto nila ako lang yung susunod ng susunod.

Umiling iling ako at pilit na inalis sa isip ko yung mga nangyari sa Canada. "Basta di ko hahayaang magawa nila yung mga gusto nilang mangyari." mahina kong sabi sabay bukas ng shower at sinimulan nang magbanlaw.

Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto ko. "Manang, si Sammy?" tanong ko kay Aling Pacita nang makita ko sya sala. Tiningnan naman nya ako at sumagot ng nakangiti, "Ah, yung nobya mo ba iho? Nasa taas pa nagbibihis. Patapos narin iyon." sabi nya, magsasalita palang sana ako at sasabihing hindi ko sya girlfriend nang may biglang nagsalita sa likod ko. "Hoy! Eto nalang isusuot ko, wala nang iba na kasya sakin ee." sabi nya kaya naman tumalikod ako para tingnan sya. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, simple lang yung damit na suot nya pero ang ganda nya parin.

"Ano? Nagagandahan ka nanaman sakin at ganyan ka makatingin?" may pangaasar sa tono nyang sabi sa akin. Sinimangutan ko sya, at tsaka sumagot. "Sinong nagsabi na nagagandahan ako sayo? Kung may sasabihin man ako sayo ngayon, Yun yung kahit na ano palang klase ng damit isuot mo panget ka parin." sabi ko at ginaya  ko yung tono nya kanina at tsaka ko sya binelatan. Sya naman ngayon yung kumunot ang noo kaya medyo napatawa ako.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon