Chapter One

127K 232 15
                                    


Samantha Alexis Go's Point of View:

"Ano ba naman Max! Wag ka ngang magulo! Kita mo nang nagrereview ako ee!" sigaw ko dito sa lalaking kanina pa ako kinukulit ng kinukulit.

"Eh, sige na. Samahan mo na kong kumain dun sa bagong bukas na Cafè malapit sa gate netong village!" sabi nya ulit at sinamahan pa nya ng pagalog sa balikat. Ampupu naman talaga oh, wala na bang ibang laman yang utak nya kundi pagkain?

"Manahimik ka nga Max! Kita nang nagbabasa ako ee!" sigaw naman ni Oliver na makaupo sa mini couch habang binabasa yung paborito nyang libro, kaya medyo napatahimik si Max, pero maya maya lang rin nagsimula nanaman syang mangulit.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko at iritadong ibinaba ang hawak kong libro.

"Fine! Maghintay ka dyan, magbibihis lang ako." sabi ko naman kaya yung nakasimangot nyang mukha kanina na parang papaiyak na ee napaltan ng napakalawak na ngiti. Ewan, napakaisip bata nya grabe.

"San kayo pupunta?" rinig kong sabi ni Kyzer habang papaakyat ako ng hagdan.

"Sama ko." Boses ni Ivan

"Ano? Sosolohin mo si Samantha? Wag ganun dude! Sama ako!" boses ni Storm

"Ako rin." Boses naman ni Santi, napabuga nalang ako ng hangin at naglakad ulit papasok sa kwarto ko at nagsimula nang maghanap ng maisusuot. Nang makahanap na ko ee mabilis akong nagpalit at nagayos ng konti. Pagbaba ko ng hagdan, nagbihis narin pala sila.

"Tara na?" sabi ko sa kanila, si Max at Storm lang ang sumagot yung iba naman tumango lang. Naglalakad na ko at medyo napapantayan ako ni Kyzer sa paglalakad pero umuna na sya, pero bago sya tuluyang makalagpas bumulong muna sya sakin..

"Pandak."

Arghh!! Hindi sabi ako pandak ee! Pandak ba yung height ko na 5'5?! Hindi ako pandak! Sadyang matangkad lang talaga sya! How dare him to insult my height!

"Hindi ako pandak!" para akong batang nagtatantrum dito pero wala akong pakealam dahil una sa lahat nagsasabi lang naman talaga ako ng totoo hindi ako pandak! Ang sarap nya talagang ingudngod sa sahig kahit kelan! Napaka nya!

"Woah, easy there Sam hindi ka na nasanay kay Lyndon." Natatawang sabi ni Ivan pero nakatingin parin sya sa dinadaanan namin, at nang sa wakas ee nandito na kami sa garahe pumasok agad kami sa van, hello, pito kami baka magsiksikan kami pag yung isang kotse ang ginamit namin.

"Grabe naman, ako talaga gagawin nyong driver ee no? Sa gwapo kong to?" Reklamo ni Ivan nahuli kasi sya sa pagpasok ng van at pagpasok palang nya lahat kami nakatingin na sa kanya at pinapahiwatig na sya ang magd-drive.

"Ang bagal mo kasi dude."

"Masyadong pagwapo ee."

"Pagong."

"Talo pa babae kung kumilos."

"Aray ha, sa loob ng isang taon na paninirahan nating pito sa bahay ang sakit nyo talagang magsalita. Nasasaktan ako." sabi nya ma sinamahan pa nya ng paghawak sa kaliwa nyang dibdib at umaktong nasasaktan. Binato naman sya ni Storm ng stuff toy.

"Gago tol! Ang bakla mo!" Napailing nalang ako, sa tagal kong kasama sila dito sa bahay, sanay narin ako sa nga ugali nila. Si Santi na sobrang tahimik na sobrang galing ding magluto, si Ivan na babaero pero pagdating sakin ang bait, si Max na sobrang kulit, same with Storm kaso si Storm mas matakaw sya kay Max, at si Oliver na napakaaddict sa mga libro. Silang lima, kasundo ko na sila, at yung natitirang isa..Ugh, never mind.

Habang nasa byahe kami, masaya silang nagkukwentuhan, exept kay Santi na tahimik parin. Mukhang may malalim na iniisip.

"Santi? Okay ka lang ba?" Bulong ko sa kanya, since katabi ko sya. Tumingin naman sya sakin, tapos umiling iling pa.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon