Special Chapter: Chapter Seven Part Three / Short Update

705 10 0
                                    

Special Chapter : Chapter Seven Part Three

Maximilian Alexander Agustin's Point of View: 

"Nakakainis na yang kakulitan mo Max jusko! Kung nagrereview ka nalang dyan edi sana baka magkaron ka pa ng mataas taas na grade mamaya sa quiz natin!" inis na sagot sakin ni Sam, pero di ko sya tinigilan ng kakakulit. Kinulit ko parin sya ng kinulit hanggang sa mapapayag ko na rin sya. Alam nya kasing di ko sya tatantanan pag di nya ko pinagbigyan. 

Tanghali ngayon, lunch at habang naglalakad kami papunta sa cafeteria may tumawag kay Sammy. Si Kevin. Yung bestfriend nya 'kuno'. Kaya ayun, no choice kundi lumapit kami. Kasama nga pala namin ni Sammy yung apat pang ugok, Oliver, Santi, Storm at Lyndon. Nausap sila saglit, at nang tangkain na ni Sammy na umupo sa tabi ni Kevin, bigla namang may sumulpot na babae sa gitna nila at sya ang umupo sa tabi ni Kevin. Habang ako, tahimik na tumatawa sa utak ko. Nagpapasalamat dun sa babaeng umupo sa tabi ni Kevin. Sa tingin ko naman may gusto tong babae na to kay Kevin haha, parang si Shanice lang kay Storm.

Pagkatapos non nalaman nalang namin na Girlfriend pala netong si Kevin si Quen (Ku-Wen). Kaya nanaman yung utak ko. Mababawasan nanaman kasi yung mga pumoporma kay Sam. Nagkaron pa sila ng konting pauusap, pagkatapos nagpaalam na sila Kevin at sinabing may susunod pa daw silang klase.

"Ano ba kasing pagkain nanaman nakita mo dito Max at di mo nanaman ako tinatanan? Siguraduhin mo lang na masarap yun kung ayaw mong tamaan neton librong hawak ko." sabi nya sabay amba sa akin nung hawak nyang libro sa chemistry. Yung apat naman tumawa lang ng mahina. Ako? Kunyari natakot ako kay Sam, haha.

"Wala namang hindi masarap na pagkain kay Max ee, lahat nalang kinakain nyan." natatawang sabat pa ni Storm. Dahilan para mahinang matawa si Sam. Grabe? Ganon ba ko katakaw? Kung ganon ako katakaw, bakit di naman ako tumataba?

"Nahiya naman ako sa katakawan mo tol." sagot ko sa kanya pabalik, na may kasamang medyo masamang tingin haha.  "Ayun yung bago nila Sam oh." tingin ko naman kay Sam, habang itinuturo yung sundae na itinitinda nila sa cafeteria. Lumapit kami doon at umorder ng lima, ayaw daw ni Oliver ee edi kami nalang.

Pagkatapos naming makuha yung mga inorder namin pumwesto na kami sa madalas naming pwestuhan. Kung saan walang masyadong tao, dun kasi gusto parehas ni asanti at Sam. Para daw di masyado maingay, di daw kasi sila makakain ng ayos pag masyadong maingay. Pagkaupong pagkaupo palang as usual, na pwesto. Nagigitnaan nila, Santi at Storm si Sam.  kaharap naman ni sam si Lyndon na di parin natitigil ang paglalaro sa cellphone nya, ako at si Oliver naman nasa magkabilang gitna ng lamesa.

Habang kumakain kami, di nanaman maiwasan na hindi magsigawan si Lyndon at Sam. Nagtatalo nanaman silang dalawa kasi etong si Lyndon ayaw nanaman paawat sa kalalaro ng cellphone nya. Kaya ang ginawa nung isa, sumandok sya ng isang kutsarang sundae at diretsong ipinasok yung sa bibig ni Lyndon na walang kaalam alam. Resulta? Natapon yung iba sa damit ni Lyndon.

Pero sa pagaaway nila, ewan ko ba kahit na parehas silang maingay kay Sam lang ako nakafocus. Nasa kanya lang yung buong atensyon ko. Kahit na lagi sya masungit, kahit na lagi syang parang leon na laging galit. Gandang ganda parin ako sa kanya.

Naalala ko nanaman nung una kaming magsama sama sa iisang bahay. Kaming anim, maliban kay Oliver at Kyzer dahil simulat sapul may sariling mundo na naman talaga yang dalawang yan. Lahat kami magkakasundo, wala rin kaming kaalam alam sa mangyayari, nagulat nalang kami isang araw na, may mga maleta na sa sala habang nakaup doon ang isang babae. Si Sam, kasama ang mga magulang namin at magulang nya.

Wala lang naman talaga sakin tong kasunduan na to, dahil wala akong pakealam. Pero nung tumagal tagal, habang nakikilala ko si Sam. Tumatatak na sa utak ko na gusto kong ako ang mapili. Gusto kong ako ang makasama ni Sam. Hindi pang dahil sa negosyo. Kundi dahil sa gusto ko sya.

"Hay nako, kelan kaya magkakasundo yang dalawang yan?" walang ekspresyon na sabi ni Santi. Napatango nalang ako, magkakasundo pa nga talaga yang dalawang yan? Sa tingin ko hindi na. Malabong mangyari na magkakasundo pa silang dalawa.

Meanwhile on Canada: Ivan France dela Flores' Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meanwhile on Canada: Ivan France dela Flores' Point of View

Abala ako sa pakikipaglaro kay Freya. Nang makarinig ako ng katok sa pinto ko. Napabuntong hininga ako. Lalo na nung marinig ko ang boses ng nasa labas. "Anak? France. Please come out for a while, may paguusapan tayo." sabi nya. Pero sa halip na tumayo ako, hindi ko sya pinansin at ipinikit ko ang mga mata ko.

Pero bago pa man ako makatulog, narinig ko nang may nakapagbukas ng pinto ko. It was mom, holding a key. "What?" sabi ko na parang wala akong narinig na utos galing sa kanya kanina.. "Why are you still laying down there? Don't you heard me? Sabi ko may paguusapan tayo. Get up, stop acting like a spoiled brat in front of me France." maotoridad nyang sabi at walang sabisabi na labas ng kwarto ko.

Wala akong magagawa, that's my mom and take a note, that was just my mom. Paano nalang kung pati si Dad mangealam na?

- -

Garden:

It was already evening kaya medyo malamig. I saw mom standing beside the coffee table and talking someone on her phone. Bago pa man ako makalapit at pakinggan kung ano ang pinaguusapan nila, nakita na ko ng mom ko. "Okay, I call again later. Thank you." she said, then faced me.

"Kelan ba ko babalik ng Pilipinas? Wala naman akong ginagawa dito." Sabi ko ng direktang nakatingin sa mata nya. She looked at me back, straight at my eye. Siguro, kung hindi ko sya nanay tinayuan na ko ng balahibo sa batok sa sobrang tensyon ng pagkakatingin nya.

"You're not going back there. You're staying here, for good."

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon