Chapter Ten

395 7 0
                                    

Samantha Alexis Go's Point of View:

Oras na para umalis, Iniligpit na namin ni Ivan yung pinagkainan namin. Ewan ko pero nakaramdaman ako ng pagkabitin, di ko pa kasi naeenjoy yung ganda nitong lugar na to.

"Oy babalik pa naman tayo dito diba?" tanong ka sa kanya, napatawa naman sya ng mahina.

"Oo naman, babalik pa tayo dito.Ngayon mas sisipagin na kong pumunta dito kasi di na ko magisa." nakangiti nyang sabi.

Binitbit ko na yung basket, nakita ko syang nagpunta dun sa bukana nung pinasukan namin kanina at mula don kita ko na may hila na syang isang bike.

Di ko na sya tinanong kung pano nya nakuha yun, malamang ipinadala nya dito kanina.

"Tara na, kelangan na nating umuwi. Gumagabi na, may pasok pa." sabi nya, at napataas yung kilay ko sa sinabi nya.

"Sino kaya yung basta basta nalang nanghihila para magcutting?" sabi ko habang nagtatali ako ng buhok ko. Itinaas naman nya yu g dalawa nyang kamay na parang nagsasabi na suko na sya.

"Tara na." kinuha nya sakin yung basket at inilagay yun sa bike.

Bago ako umalis, nilingon ko muna uli yung ilog. Hays, yaan na makakapabalik pa naman daw kami dito ee.

Flores'Mansion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Flores'Mansion

"Ingat kayo sa byahe nyo ah. Hindi ba talaga pupwedeng magpabukas na lang kayo ng uwi? Magagabi na oh." sabi samin Manang Pola. Nginitian lang sya ni Ivan at niyakap.

"May pasok kami bukas nanang ee, wag ka magalala. Babalik kami dito next week." paninigurado nya sa matanda. Natawa naman si Manang sa ginawa nya.

"Osya sige, ingat ka sa pagmamanehong bata ka." sabi nya kay Ivan, bago ako tingnan at nginitian.

"Magiingat kayong dalawa." tumango kaming dalawa ni Ivan.

Ihinatid nila kami hanggang sa gate ng Mansion. At makalipas lang ang ilang minuto tuluyan na naming nalayuan yung mansion.

"Nagenjoy ka ba?" tanong bigla ni Ivan kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti akong tumango sa kanya, at tsaka muling ibinaling yung tingin ko sa labas ng bintana.

Kaming dalawa nanaman yung naiwan, at gaya nung naramdaman ko kanina sa ilog, ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." sabi ni Ivan, at dahil sa sinabi nya lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit ba ako nate-tense?

"A-ayos lang ako haha. Napagod lang siguro kaya medyo n-nawala ako sa mood magdadaldal." and now, Samantha you're stammering. Great, just great.

"Matulog ka muna, malayo pa byahe Gigisingin nalang kita pag malapit na tayo." he said, while smiling at me.

Oh god, can you please tell me what the hell is happening to my freakin heart?

Kinuha ko yung cellphone ko at nagbukas ng facebook app. At wala sa isip na nagpost ng status.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon