Chapter Eight Part Four

508 8 0
                                    

Oliver Sean Ford's Point of View:

Natapos na ang misa, Naunang lumabas sila Max at nahuhuli naman kami ni Sam. Tahimik lang kaming nakasunod nang bigla akong tawagin ni Sam dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Ah, may naiwan kasi ako sa inupuan natin kanina. Okay lang kung antayin mo ko dito?" tanong nya sakin. Tumango lang naman ako sa kanya, nang balikan ko ng tingin sila Max. Di ko na sila makita, nauna na ata.

Sinamahan ko na si Sam na kunin yung naiwan nya sa pwestp namin kanina, nang kunin nya yun'nakita ko na kwintas yon. Inilagay nya agad yun sa bag nya at tsaka ako tiningnan at ngumiti. "Tara na haha." yaya nya sakin, at tsaka sya naunang maglakad. Kinuha ko naman yung cellphone ko at tinawagan sila Max para tanungin kung nasaan na sila.

"Yo paps! Asan kayo ni Sam? Umuna na kami ah, may bibilhin lang kami may pera naman kayo magcommute nalang kayo bye!" sagot agad ni Max, ni hindi manlang ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita at bigla nalang ibinaba yung tawag. "Nasaan na daw sila?" lingon sakin ni Sam. "Ah, umuna na daw sila."


Ivan France dela Flores' Point of View:

"Yo Paps! Asan kayo ni Sam? Umuna na kami ah, may bibilhin lang kami may pera naman kayo magcommute nalang kayo bye!" rinig kong sabi ni Max pagkatapos ay nilagay na nya uli yung cellphone nya sa bulsa nya. "Nasaan daw sila?" tanong ko, tiningnan ako ni Max tapos napakamot sya sa ulo nya. "Oo nga pala, haha di ko na naitanong sinabi ko nalang na magcommute muna silang dalawa kasi may bibilhin tayo." sabi nya, bigla naman uminit yung magkabila kong tenga nang marinig ko yun.

"Sige na una na kayo, sasabayan ko nalang sila Sam." sabi ko sa kanila, Umo-o nalang sila. Kaya naman umalis na ko at bumalik sa may pinto ng simbahan, tiningnan ko kung nandoon pa sila kaso wala na akong nakita ni anino ni Oliver o ni Sam. Napamura nalang ako ng mahina nang isa isang nagsulputan sa utak ko yung mga bagay na pwedeng gawin ni Sam at Oliver ngayong silang dalawa lang yung magkasama.

Nandyan yung pwedeng pumunta sila sa mall para maglibot, magbonding, mamili ng kung ano ano. Nandyan din yung dadalhin sya ni Oliver sa isang lugar kung saan alam nyang magugustuhan sya ni Samantha, pagkatapos non bigla nalang silang uuwi ng parehong may ngiti sa mga mukha, at...At..

"Arggggh!!" inis kong ginulo yung buhok ko habang iniisip parin yung mga bagay na yon', and I was about to continue for my 'searching' nang maramdaman kong may mga pqres ng mata ang nakatingin sakin. Kaya lihim na naman akong napamura, kung kelan naman problemado akong hinahanap yung dalawang yun tsaka naman ako guguluhin ng mga to.

Naglakad lakad ako at nagpanggap paring may hinahanap. Nang mapunta na kami sa parteng walang masyadong tao. Tsaka ako tumalikod at humarap sa kanila. At isang matamis na ngiti ang isinalubong ko sa kanila. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang lalaki na mas malalaki pa ang katawan sakin. Mukhang mapapasakit nanaman ang katawan ko ngayong araw.

Samantha Alexis Sebastian Go's Point of View:

"Ahm, Oliver? Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, sa totoo lang kanina pa sobrang sakit ng paa ko sa kalalakad naming dalawa. May nga trycicle at taxi na tinitigilan kami at inaalok na sumakay pero tumatanggi si Oliver. Simula kanina nang sabihin nyang umunq na sila Max tumahimik nalang sya at nagsimulang maglakad, ni isang imik ng salita ay wala akong narinig kung saan kami pupunta kaya naman heto ako ngayon at kinukulit sya kung saan ba talaga kaming pupuntang dalawa.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon