Chapter Seven Prt. 2: Special Chapter

1K 14 6
                                    

Special Chapter : Chapter Seven Part Two

Kevin Angelo Vargas' Point of View:

"Ano ba! Tantanan mo nga ko!" inis kong sabi dito sa babaeng kanina pa ko kinukulit ng kinukulit. Grabe pa kung makakapit sa braso ko, talo pa yung palakang bato makakapit.

"No! Hindi ako titigil sa kakakulit sayo hanggat hindi ka pumapayag sa gusto ko!" sigaw nya, Ulit. Dahilan naman para mapatingin halos lahat ng nadadaanan naming dalawa. Ramdam kong nagiinit yung magkabila kong tenga sa kahihiyan.

"Umayos ka nga, pinagtitinginan na tayo. Hindi ka ba nahihiya?" mahina pero rinig ang diin sa mga salitang sinasabi ko sa kanya.

"Eh kung pumapayag ka nalang ba kasi na maging partner ko sa Prom edi natahimik na ko dito kanina pa! Dali na kasi pumayag ka naaaa!" sigaw nanaman nya na sinamahan pa nya ng pagalog sa braso ko na lalo kong ikinainis dahilan para maitulak ko sya ng mahina. Sakto lang para malayo at mapabitaw sya sakin. At nang mapabitaw sya ng pagkakahawak sa braso ko agad ko naman syang tinalikuran at sinimulang maglakad na. Pero wala pang limang hakbang ang ginawa ko ee narinug ko nanaman syang sumigaw.

"Waaaaah!!!" Oo sumigaw sya ng pagkalakas lakas, at nang lingunin ko ang kinaroroonan nya ay nakita ko syang nakaupo na sa sahig habang umaarteng umiiyak, dahil sa ginawa nyang yon' lalo kaming pinagtinginan ng mga tao at bagumpisa nang magbulong bulungan. Pero sya parang wala lang sa kanya yung mga tingin na ibinibigay saking dalawa ng mga taong malapit sa amin.

"Waaah!!!! Ayaw na akong i-date ng boyfriend ko! May iba na syang gusto!" hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng babaeng to. Konting konti nalang talaga bibinggo na to' sakin ee. Napatingin ako sa kga taong malapit sa min naririnig ko din yung mga negative comments na ibinibigay nila sa akin.

"Grabe naman tong lalaking to, mukhang mahal na mahal pa naman sya ng girlfriend nya tapos gaganunin lang nya?"

"Oo nga, iba na talaga mga lalaki ngayon. Pagkatapos tayong mafall sa kanila iiwan nalang ng basta basta."

"Oy grabe kayong dalawa ah, di naman kami ganyan lahat may ilan pang matitining natitira, andito pa ko oh."

Napailing nalang ako, at yung kahihiyan na kakarampot palang kanina ee umabot na yata hanggang langit abg taas. Sobra sobra na kong nahihiya dahil sa pinaggagawa ng babaeng to.

Tumingin sya sakin saglit, at nang makita nyang nakatingin lang ako sa kanya, umatungal nanaman sya at halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkakadilat dahil sa sinabi nya.

"Buntis ako! Tapos ayaw mo akong pagbigyan sa gusto ko?! Ayaw mo akong panagutan? Kahit yung baby na-" hindi ko na sya hinayaang tapusin pa yung mga sinasabi nya at dali dali ko syang nilapitanat tinakpan ang bibig nya sabay lakad . Tumigil naman sya sa pagsigaw nya nang maramdaman nya yung kamay ko na nasa bibig nya, pakiramdam ko nga napangiti pa sya sa ginawa ko.

Dumeretso kami sa loob ng library, ayokong pagusapan kami sa labas kaya magpapalipas muna ako..kami ng oras dito sa loob ng library. Nauna syang umupo at tahimik lang na tumingin sakin at parang nagaantay ng sasabihin ko. Pero sa halip na magsalita at pagalitan sya dahil sa ginawa nyang eksena kanina sa labas ee kinuha ko nalang yung Physics book at nag-advance reading.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon