Chapter Eight

620 13 0
                                    

Samantha Alexis Sebastian Go's Point of View:

Nagising ako wala pa akong liwanag na nakikita sa labas ng bintana ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako wala pa akong liwanag na nakikita sa labas ng bintana ko. Nagising ako, kasi nagugurom ako. Tiningnan ko yung orasan ko, 2:30 A.M. Tulog pa ang mga tao. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko, dumeretso ako sa kusina at tumingin ng pwede kong makain.

Nang makakuha na ko, humanap naman ako ng pwesto sa bahay na pwede akong kumain at dalawin narin agad ng antok. Kaya napagisip isip ko nalang na sa garden nalang magpunta, tutal mahangin naman ngayon. Mas masarap tumambay doon walang masyadong lamok.

Habang kumakain ako, biglang bumukas yung front door ng bahay, at mula doon nakita kong lumabas si Oliver. Tatawagin ko sana sya, kaso bigla syang dumeretso sa gate at lumabas. Wierd. Saan naman kaya pupunta yun ng ganitong oras? Dahil sa kuryosidad ko, lumabas din ako. At sinundan sya ng palihim.

Pero hindi na rin ako nakalabas kasi sa harap mismo ng bahay may nakatigil na isang sasakyan na itim. At pumasok doon si Oliver, hindi naman umalis yung sasakyan. Nakatigil lang talaga kaya alam kong sa loob sila naguusap mismo. At nang marinig kong bubuksan na nya ang pinto kaagad akong bumalik sa kinaroroonan ko kanina. Pagkatapos ay, dumiretso sa likodbahay at doon na dumaan papasok.

Nang makabalik ako sa kwarto ko, dumiretso ako ng higa. Tumingin ako sa kisame, sino naman kaya yun? Baka sa business nila? Ewan. Kinuha ko yung teddy bear na bigay sakin ni Ivan. "Oy, panget. Akalain mo yun, haha. Nakakamiss ka rin pala. Uwi ka na, miss ka ng magandang dyosa." napatawa ako sa ginagawa ko. Nababaliw na nga ata ako.

(ccto the owner of this video)

Bigla kong naalala yung mga nakakaasar yet, nakakatuwang mga memories ni Ivan sakin bago sya umalis. The night, na pinagpanggap nya kong girlfriend, hmm kung iisa isahin ko, baka abutin pa ko ng ilang oras sa dami ng kalokohang pinaggagagawa nung panget na yun.

"At, Samantha. Pwede bang sabihin mo sa sarili mo, kung bakit mo sya iniisip?" Sabi ko sa sarili ko. I don't understand myself. Really. Ipinikit ko nalang uli ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.

- - -

"Hey, wake up. Late na tayo." nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Pagdilat ko, at literal akong napadilat dahil sa lapit ng mukha ni Oliver sa mukha ko. Nanlaki din yung dalawa nyang mata, at agad na napalayo sakin. "A-Ah, sorry. Ginigising lang kita. Kasi, ano tayo nalang yung nandito. Umalis na sila." sabi nya habang napapakamot pa sya sa batok nya. I looked at the clock. Magna-Nine na, sobrang late na kung papasok pa kami.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon