Chapter Eleven

639 8 3
                                    

Samantha Alexis Go's Point of View:

Tahimik akong kumakain ng agahan ngayon, naninibago ako kasi si Santi lang kumakausap sakin, yung lima? Sila sila lang naguusap.

"Pwede naman siguro tayong magusap pag nasa bahay diba? Si naman tayo makikita ni Dad." sabi ko kaya napatigil sila sa paguusap at sabay sabay na napatingin sakin bukod kay Max. Kasi busy na busy sya sa pagkain nya.

"Wala naman sigurong hidden camera si Dad diba? OA naman kung ganon." sabi ko pero di parin sila nagsalita at nakatingin parin sakin.

Kumunot naman noo ko.

"YAH!! MAGSALITA NAMAN KAYO PARA KONG TANGA DITONG SALITA NG SALITA!"

"Pwede naman talaga tayong magusap usap pag nasa bahay ee." sabi ni Santi, kumunot lalo ang noo ko.

"Yeah, ikaw lang naman yung hindi kumakausap samin?"

"Oo nga."

"Kala nga namin galit ka ee."

"Tanga talaga." sabat ni Lyndon habang tuloy parin sa pagkain.

"Hoy! Anong tanga? Malay ko ba! Isa pang tanga mo sasakalin na talaga kitang unggoy ka!"

"Bago kayo magaway ojay lang kung tatapusin nyo na muna kinakain nyo? Malelate na tayo." sabi ni Oliver, tumayo na ko at bumalik sa kwarto ko. Kinuha ko natin yung bag ko.

Tsaka ako bumaba uli, pagbalik ko nagliligpit na sila ng kinainan.

"Sam, here." nilingon ko si Oliver, tumingin din ako sa ibinibigay nya. Sandwich.

"Ah?"

"Gumawa kasi ako kanina, kainin mo mamayang break time." sabi nya, napagawak sya sa batok nya at tsaka ako tinalikuran.

I feel butterflies in my stomach. Naalala ko nanaman yung sinabi nya kagabi.

- - -

Flashback

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Ivan sa pinto, ang una kong nakita ay yung pares ng mata ni Oliver na seryosong nakatingin sa akin, sa aming dalawa ni Ivan.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas yung tibok ng puso ko, hindi kaya mamatay na ko ng maaga nito? Kanina pa tibok ng tibok, I mean hindi normal yung pagtibok.

Kanina kay Ivan, and now tingin lang ni Oliver. Pakiramdam ko tumakbo ako ng milya milyang layo.

Ano na ba tong' nararamdaman ko? Bakit ganito? Kung kay Ivan kanina ang lakas ng tibok ng puso ko, ngayon naman parang triple yung kabog sa dibdib ko.

Oliver looked at me seriously, pagkatapos ay saglit din nyang tiningnan si Ivan. Tapos bigla nalang syang tumalikod, I felt sonething sa dibdib ko na parang sumakit.

End

- - -

Nandito na kami ngayon sa classroom, nakasubsob ako ngayon sa upuan ko. Bakit ba naman kasi napakatagal ng teacher namin? Rinding rindi narin ako dito sa katabi ko, si Storm. Pano ba naman kasi ayos yung kantahan nya, tapos nakisabay pa si Max.

"Sino? Ang pipiliin ko? Ikaw ba na pangarap ko, o sya bang naririto sa puso ko~" Storm.

"Anong paiiralin ko, isip ba-." biglang naputol yung pagkanta ni Max (with feelings) nang bigla namang pumasok si Oliver at naupo sa gitna nilang dalawa.

"Andito na ang boss, kaya shut up na ko." rinig kong sabi ni Max, nagtawanan naman yung mga nakarinig sa kanya, si Oliver naman hindi sya pinansin at naglabas ng libro. As usual habang nagaantay sa teacher namin nagbasa lang sya.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko at naglaro ng piano tiles. Pero agad ko ring itinigil yon nang biglang sumigaw si Grey, isa sa mga kaklase ko at sa tingin ko sya rin yung leader ng mga bully dito.

"Wala daw pasok! Nasa seminar halos lahat ng subject teachers natin kaya pia
napauwi nalang yung mga estudyante." sabi nya, marami sa mga kaklase ko ang nagdiwang. Lalo na si Max at Storm, isama narin natin si Lyndon. Si Ivan? Tulog, si Oliver naman nagbabasa parin, si Santi naman...

"Nasan si Santi?" bulong ko sa katabi ko si Beauty, na katabi rin naman ni Santi. Tiningnan nya ako.

"I dunno, mukha ba kong hanap-."

"Thanks!" sabi ko at tumayo na, wala akong pakealam sa pagkamaldita nya, nagta-tanong lang ako kung ano ano namang sinabi nya. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas, sakto rin namang pagpasok ni Santi.

"Hey, san ka pupunta?" tanong nya.

"Wala naman, di ko alam haha." sabi ko naman, kinuha nya agad yung bag nya at bumalik sa akin.

"San mo gusto?" tanong nya, nagisip ako.

"Ahm, ikaw nalang bahala. Wala kasi talaga akong balak na lumabas sana ngayon ee." sabi ko kaya napatango naman sya.

"Wait, you said once na gusto mong bisitahin yung restaurant ko diba?" sabi nya, napatango ako ng sunod sunod ilang beses ko na syang niyaya non' kaso parehas busy ang schedule kaya hindi rin natutuloy, and I guess na this time matutuloy na talaga to.

"So, gusto mo bang doon nalang? Kaso maaga pa, sarado pa ang mall. Punta muna tayo sa park?" sabi nya, tiningnan ko yung iras sa cellphone ko. Yeah, it's just 8:16 a.m. Kaya no choice kundi magpalipas ng dalawang oras pa.

"Sige sige, tara na?" yaya ko sa kanya.

- - -

Someone's Point Of View:

After na ma-dismiss ang klase dumiretso agad ako sa parking lot, sakto rin naman na nakita ko rin si Santi na kasama si Sam. Araw nga pala nila ngayon. Naramdaman kong may tumabi sa akin, kahit na di ko sya lingunin I know it's her.

"Jealous?" she said.

"No I'm not. Why would I?" sabi ko at tsaka ko sya nilingon. "Sinabi ko na sayo, hindi mangyayari yan." dagdag ko pa.

"No one knows, hindi natin alam. Maybe you're jealous pero hindi mo iyinatatak sa utak mo yun, But my dearest brother. Let me remind you na we're doing this for business, for money. Para mabawi natin ang kumpanya ng parents natin, at para magawa yun ng walang problema you MUST not fall inlove with her." she said, seriously.

"Yeah, yeah, I know. No need to remind me okay? Alam ko ang limitasyon ko." sabi ko naman sa kanya at tsaka ko binuksan yung kotse ko. "Papahatid ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Nah, may kaylangan pa kong puntahan. You go." she said, then waved.

Must not fell in love with her? Yeah right.

- - -

S

uper Short UD, To be continue..

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon