Chapter Eight Part Two

536 13 0
                                    

Samantha Alexis Sebastian Go's Point of View:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Samantha Alexis Sebastian Go's Point of View:

"Kasi Sam, kung ako yung tatanungin mo. Willing akong maging fianće mo. Willing akong pakasalan ka, at paglingkuran ka bilang asawa ko. " nagulat ako sa mga sinabi nya, halos walang wala na akong mailabas na salita sa bibig ko. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko yung mga salitang sinabi nya. Natulala ako, nakita ko sa expression nya na inaantay nya yung sasabihin ko.

"A-ah ano kase-." naputol lang yung sasabihin ko nang biglang magring yung cellphone nya, napatingin lang sya sakin pero iniwas ko yung tingin kaya sinagot nya yung tawag.

"Oh, Max? Bakit? Ah, pauwi narin kami. May pinuntahan lang. Sige." pagkatapos ng paguusap nila, tiningnan nya uli ako at napabuntong hininga. "Hinahanap na nila tayo, daan daw tayo sa grocery, may ipinapabili si Santi. Para sa dinner nating pito." napakunit ang noo ko.

"Pito?"

- - - -

Papauwi palang kami ng bahay, ewan ko ba kung bakit sobra akong kinakabahan. Nararamdaman kong tinitingnan ako ni Oliver dahilan rin para mas lalo pa akong kabahan. Sobrang lakas ng kabog ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko magawang tingnan pabalik kasi tuwing titingnan ko sya, naaalala ko nanaman yung sinabi nya kanina sa Mall.

Hanggang sa makarating kami sa bahay, walang kibuan. Nauna akong bumaba, naiilang na talaga ako ng sobra. Nang nasa may pinto na ako, nakarinig ako ng ingay, at doon ko lang uli naalala ang dahilan kung bakit kami umuwi dito agad.

Lving With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon