GOODBYE

2.9K 94 1
                                    

"Wag kang lalabas kahit anong mangyari. Aalis lang kami ng papa mo, mahal na mahal ka namin anak." Hindi ko maintindihan kung bakit lahat sila pati ang mga batler sa bahay ay aligaga,bakat ang takot sa mukha at pangamba lalo na kila mama at papa. Bigla nila akong niyakap ng mahigpit na parang wala ng bukas. Maya maya may kinuha si papa sa bulsa nya nakasilid sa isang pula na  kahon.

"Anak!ito ang regalo namin ng mama mo para sayo , sa kaarawan mo." Sabay abot sakin ni Papa. "Ang layo pa po ng birthday ko." Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang bagay na ayaw kung mangyari. "Pa,ma di ba babalik kayo?" May pilit na ngiti at kasabay ng pagpatak ng luha ko may bagay na sumabog sa labas na siyang kinabahala ni mama at papa.

"Mahal na mahal kanamin anak! Tandaan mo kahit anong mangyari andito lang kami sa tabi mo." sabay yakap at hinalikan ako sa noo. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni papa, sabay yakap sa akin.
"Patawarin mo kami anak kung hindi na namin matutupad ng mama mo ang pangako namin sayo. Mahal na mahal ka namin." Lalong humigpit ang yakap nila ni mama sabay pagpatak ng luha naming tatlo.

"Mama,papa wag nga kayong magsalita ng ganyan. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Babalik kayo diba." habang tumutulo ang luha ko, pumasok ang batler namin.

"Master nag umpisa na silang lumusob, kailangan na namin ng tulong."


"Susunod na kami." sabay kawala sa pagkakayakap naming tatlo.

"Sige na anak mag tago kana dyan. Wag na wag kang lalabas diyan kahit anong mangyari. Wag kang gumawa ng ingay maging tahimik kalang at kalmado para di kanila mahalata. Mahal na mahal ka namin anak." biglang hinawakan ni mama ang kamay ko.


"Pe...pero..." di kona natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nanlabo ang paningin ko. Tanging narinig ko lang ay "Patawad anak kinailangan naming gawin to ng papa mo para mailigtas ka at ang mundo. Paalam aming anghel." kasabay noon bomagsak ang huling butil ng luha ni mama sa king mukha at tuluyan nang dumilim ang aking paligid at wala akong naririnig sa labas. Para akong nakulong sa isang lugar na walang liwanag at nakakabinging katahimikan na bumabalot sa aking paligid at tuluyan na kung nawalan ng ulirat....

The Last Vampire StandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon