First Chat

78 3 0
                                    

FIRST CHAT

"Class Dismissed."

Halos sabay-sabay na nagtayuan ang buong klase paglabas ng prof namin sa last subject.

"Uy, Jamie!" Agad na lumapit sa'kin ang bestfriend kong si Melanie - Mel for short.

"O?"

Iniabot niya sa'kin ang isang libro. "Yung hinihiram mo, oh. Ibalik mo agad yan pagtapos mong basahin ah! Hinihiram din kasi yan ni Dindy."

Tumango ako at isinilid na sa bag yung libro.

"Babe!!!"

Sabay kaming napatingin ni Mel sa nagsalita. Nasa pinto siya. Si Micaella. Ang super ganda and super sikat na girlfriend ng crush ko.

Tumayo si Justin na nakaupo pa rin sa upuan niya. Mukhang hinihintay talaga niya si Micaella. "Babe! 'Kala ko malelate ka ng uwi? Kaya hindi kita pinuntahan agad sa classroom mo e."

Umiling si Micaella. "Di natuloy yung meeting namin ngayon ng groupmates ko."

Nabalik ang atensiyon ko kay Mel nang sikuhin niya 'ko.

"Uy, girl. Masokista ka ba? Talagang panonoorin mo silang maglambingan?"

Sinaway ko siya. "Ano ba, baka marinig ka nila. Tsaka di ako masokista. Crush ko lang naman yon. Ano kung may girlfriend siya?" Nagsimula na 'kong maglakad palabas ng classroom.

Sumunod naman sa'kin si Mel. "Wow, crush. Wow talaga. Crush for 3 years ah? Ang loyal mo naman. Ni hindi ka nga nagkagusto at nagkacrush sa iba 'no!"

"He-he. Alam kong wala akong pag-asa dun. Tingnan mo nga yung girlfriend niya. Ang ganda-ganda. Sikat."

"E ano?"

Hindi naman ako panget. Sakto lang. Pero alam ko talagang di ko abot ang standards ni Justin. Masyado rin siyang gwapo para sa'kin.

Bagay sila ng girlfriend niya. Parehas pa silang sikat. And bilang may crush sa kanya, suportado ko siya sa kung sinong nababalitaan kong nililigawan, girlfriend o nagugustuhan niya.

Nabadtrip pa nga 'ko nung malaman kong na-basted siya ng niligawan niya dati. Ang kapal lang nila ah?

I mean, pinakagwapo yata sa school si Justin. Kung hindi man... Basta gwapo siya, mabait, approachable, sikat, humble. Ano pa bang hanap nung nangbasted sa kanya?!

Pag-uwi ko sa bahay, nakatulog agad ako kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit pambahay. Nagpalit na lang ako nung nagising ako mga bandang alas-siyete ng gabi.

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at binuksan ang desktop. Nag-facebook... Nagpost sa page na ginawa ko. "Crush Ko Lang Siya" ang page name. Dito ko nilalabas lahat ng saloobin at mga hugot ko. Medyo sikat na nga ang page na ginawa ko. Pero walang nakakaalam na ako ang admin nito... Kahit si Mel.

Nagpost ako.

Crush lang daw pero selos na selos pag may kasama siyang iba.

Maraming nag-like and comment after ilang minutes. Natatawa pa 'ko sa mga comments ng iba. May mga nagmemessage din sa page. At ang iba sa kanila, madalas ko nang nakakachat though hindi ko pinaaalam kung sino ako. Sinasabi ko lang na babae ako at ang age ko, pero hanggang dun lang.

Nang wala na 'kong kachat, tiningnan ko isa-isa ang notifs ng page ko.

*scroll*

*click*

*scroll*

O_________O

!!!

Teka! Parang familiar yun ah?!

Pumikit ako nang mariin at muling dumilat. Baka mali lang ang pagkakabasa ko.

Justin Vergara likes Crush Ko Lang Siya

Whuuuuut?! Totoo nga!!!

Wait.

E ba't ba 'ko nagpapanic? Hindi naman niya alam na ako ang admin ng page na 'to.

Normal lang yun kasi sumikat na yung page na ginawa ko. Si Mel nga nung nakaraan, nilike din 'to e. Pati yung iba ko pang friends.

Pero grabe talaga...

Kinikilig ako!!!

Hahaha. Alam ko namang walang dahilan para kiligin pero...

Kinikilig talaga ako!!!

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon