THIRD CHAT
Justin's POV
Nag-aabang ako ngayon sa harap ng classroom nila Micaella. Tapos na kasi yung klase ko, at sabay kaming uuwi.
Sumilip ako sa classroom nila ulit. Kausap niya pa rin yung lalaki. Kanina pa 'yan.
Nakita niya na 'ko at sabi niya, sandali lang daw. Um-oo naman ako kasi baka nga may mahalaga silang pinag-uusapan. Pero grabe, mahigit kalahating oras na yata akong naghihintay rito.
I mean, kung alam niyang matatagalan sila, bakit di niya na lang ako pinaunang umuwi?
Or nakalimutan niya na talaga na naghihintay ako rito sa labas?
Nakahinga ako nang maluwag maya-maya nang makita ko silang tumayo na. Nakangiting lumapit sa'kin si Micaella.
"Sorry, Babe, napatagal ah? Wala daw kasi siyang time bukas para pag-usapan 'tong project namin. By partner kasi."
Tahimik ko na lang na kinuha yung bag niya at sabay kaming naglakad.
"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?"
Umiling lang ako.
Umabrisete naman siya sa'kin habang naglalakad kami. "C'mon, Justin. Tell me."
"Sino ba kasi 'yon?" Hindi na nakatiis na tanong ko.
Maya-maya ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Parang biglang nawala tuloy lahat ng pagtatampo ko. "Ano ba? Nagseselos ka ba dun?"
Hindi ako sumagot.
Tumawa naman siya. Huminto siya at humarap sa'kin. Nasa grounds na kami ngayon, walang ga'nong tao, kung meron, nasa malayo. Hinawakan ni Micaella ang magkabilang pisngi ko. "Nagseselos ka nga? Bakit ka nagseselos dun? Di-hamak naman na mas gwapo ka 'no! Atsaka ikaw ang love ko, okay? Ni hindi ko nga ka-close yun e. Nagkausap lang kami nun kasi nga magkapartner kami sa project."
"Tara na." Sabi ko na lang.
"Eh! Smile ka muna!"
Di ako sumagot.
"Yieee, ngingiti na 'yan!"
Maya-maya ay di ko na napigilang ngumiti. "Oo na. Gusto mo bang kumain?"
Tumango-tango naman siya. "Parang gusto ko ng... Chicken na may rice! Nagugutom na 'ko."
Nagsimula na kaming maglakad ulit. Saktong pagtingin ko sa harap ay nakita ko sa di-kalayuan si Jamie na nakatingin. Ngingitian ko dapat siya pero nag-iwas agad siya ng tingin at umalis na.
Dedma na lang ako. Di naman talaga kami close.
**
Jamie's POV
Bakit ba ganito? E ano kung nakita ko silang naglalambingan? Normal lang naman yun dahil mag-jowa sila diba?
Palagi ko silang nakikitang magkasama pero iba kasi ngayon. Nakita ko talaga yung buong pangyayari. At mukhang may pinagseselosan si Justin.
Diba sign yun na talagang mahal niya si Micaella?
Ang swerte naman niya.
Hindi naman ako nagseselos. Crush ko lang si Justin, ba't ako magseselos?
O e anong tawag diyan?
Baka naiinggit lang ako. Nakakainggit rin pala yung mga may boyfriend.
E kasi naman ikaw, loyal ka masyado diyan kay Justin. Andiyan naman si David. Limang taon na rin simula nung umamin sa'yo yung tao 'no.
Umiling ako. Hindi, parang di ko pa kayang mag-boyfriend.
Kahit ako mismo, hindi ko alam kung bakit ayaw kong magboyfriend, pero naiinggit naman ako kila Justin.
E kasi nga umaasa ka pa rin na mapapansin ka ni Justin!
:(
"Jamie!"
Napahinto ako sa paglalakad. Nakita kong tumatakbo papalapit sa'kin si Mel. "Kala ko may gagawin ka pa kaya di ka makakasabay umuwi sa'kin?"
Umiling siya. "Bukas na raw. Andami kasing nagsiuwian agad. Anw, nagugutom ako. Kain tayooo."
Tumango naman ako. Nagugutom na rin kasi ako. "Tara. Sa'n tayo?"
"Gusto kong mag-KFC. Kanina pa 'ko nagke-crave ng gravy!"
"Wth. Gravy? Gagawin mo na namang sabaw 'no?"
Napangiti na lang siya.
"Di mo ba nakita sa fb yung sabing 'wag po gawing sabaw ang gravy'?"
"E bakit ba? Unli gravy naman sila ta's magrereklamo sila. Edi dapat di na lang sila nagpa-unli gravy 'no!"
Natawa na lang ako.
Nang makarating sa KFC ay agad kaming kumuha ng table namin. Si Mel na ang umorder kaya naiwan ako sa table.
Bahagya pa 'kong nagulat nang pumasok rin sila Justin at ang girlfriend niya. Umupo sila malapit sa table namin ni Mel.
Parang kumirot ang puso ko... Corny mang pakinggan... Nang makita ko ang sweetness nila.
Akala ko pa naman immune na 'ko.
HINDI PA PALA.

BINABASA MO ANG
Chatmate Ko Si Crush!
TienerfictieAnong gagawin mo kung nagkaroon ka ng pagkakataong makachat ang crush mo?