Second Chat

39 3 0
                                    

SECOND CHAT

Kinabukasan, napaaga ang pasok ko sa first subject dahil di ako gaanong nakatulog.

Susme, hanggang sa nakahiga na 'ko sa kama, di pa rin ako maka-get over nung ni-like ni Justin yung page ko. Partida, di pa niya alam na ako yung admin nun ah? Ang OA ko diba?

Wala e. Crush ko kasi. He-he.

Akmang papasok na 'ko sa room nang makita kong isa pa lang ang tao roon.

> ____________ < !!!

Biglang nagwala yung mga daga sa dibdib ko.

Wth!!!

Si Justin!!!

Nagdalawang-isip tuloy ako kung papasok na 'ko or hindi pa. Hintayin ko na lang kaya sa canteen si Mel?

Muli akong sumilip sa loob.

Nanlaki ang mga mata ko nang mahuli ako ni Justin nung sumilip ako.

Nahuli niya 'ko!!!!

No choice ako kundi pumasok na. Nakita niya na rin ako e. :/

Kinakabahan ako.

Ano ba? Ba't ka ba kinakabahan, Jamie? Wala namang pake sa'yo yan 'no!

O'nga naman. :(

Dahan-dahan akong naglakad papasok... Pero dahil sobrang kabado ako at wala ako sa sarili, napatid ako sa platform.

Weyyt.

Anong sabi ko?

Napatid?

Napatid ako?

WTH!!! NAPATID AKO!!!

Napatid ako at nakita ni Justin!

Nakakahiya! Huhu.

Baka sabihin niya tatanga-tanga 'ko!

Medyo turn off! HUHU!

Agad na lumapit sa'kin si Justin at tinulungan akong tumayo. "Okay ka lang, Jamie?"

Parang naparalisa ako nang hawakan niya 'ko. Nakanganga lang ako sa kanya habang tinutulungan niya 'kong tumayo.

"Jamie? Uy?"

"A-Ah, oo. S-Salamat."

Kahit na nadapa ako, parang ang saya-saya ko. Alam niya ang pangalan ko!!!

Malamang, blockmate mo yan.

Pero kahit na! Di kami ga'nong nag-uusap. Nagkakausap lang kami pag naging magka-group kami sa class activities or project.

"A-Alam mo pala ang pangalan ko..." Pabebeng sabi ko. Ahihi.

"Oo. Yung kaibigan mo kasi... Sino ba yun? Si Mel ba? Ang ingay ng bibig nun e. Rinig na rinig ko pag tinatawag ka niya." Sabi niya sabay tawa.

Ay shet. Shete ka Mel!!!

Malamang, iniisip nito na katulad ako ni Mel dahil bestfriend ko yon.

Well, actually, totoo naman. Kaso nakakahiya. Turn off!!!

"Ah, ganon ba? Ahehe. Sige, upo na 'ko. Salamat ulit." Napapikit pa 'ko nang mariin nang talikuran ko siya. Nakakahiya talaga... Pero kinikilig ako!!!

Nakayukong umupo ako at hindi na nilingon si Justin. Nakakahiya kasi. </3

"Good Morning, Jamie!!!"

Napalingon naman ako sa pumasok. "David."

"Grabe, Jamie. Namiss kita!" Agad na yumakap sa'kin si David.

Si David ay kababata ko na blockmate ko rin ngayon. Matagal na siyang open sa pagkakagusto niya sa'kin pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya. "Ano ba David. Kakikita lang natin kahapon!"

"E kahit na! Namiss pa rin kita!"

"Anong kaguluhan 'to?" Pumasok naman si Mel.

"Hoy. Wag kang mangialam dito." Pagsusuplado ni David.

"Aba, aba! Bestfriend ko 'yang minamanyak mo!" Nakapamaywang na sita ni Mel kay David.

"E ano ngayon? Kababata niya 'ko. Mas matagal na kaming magkakilala."

"Mas marami kaming pinagsamahan." Balik naman ni Mel.

"Wala 'kong pake. Maka-upo na nga. Epal kasi. Talk to you later, Jamielabs."

Ew. Jejemon.

Gwapo si David pero halos walang nagkakagusto sa kanya dahil open na open siya sa feelings niya sa'kin. Halos lahat ng kakilala namin, alam 'yon.

"Jamielabs-jamielabs. Ang jologs ng kababata mo ah." Umupo na si Mel sa upuan niya sa kabilang row. Kapantay ng inuupuan ko.

"Oy, narinig ko 'yon! Kung makapagsalita ka diyan ah! Taba!" Pang-aasar pa ni David.

"Tumigil na nga kayo." Sita ko. Nakakahiya kay Justin. Pasimpleng sinulyapan ko si Justin. Nagbabasa lang siya. Mukhang wala naman talagang pakialam sa'min.

"Hindi ako mataba! Ang kapal ng mukha mo! Chubby lang!" Patuloy na sigaw ni Mel. "Iba ang chubby sa mataba!"

"Whatever." Sagot ni David.

"Sinabing hindi ako mataba!" Tumayo na si Mel at lumapit kay David. "Pwede ba?! Makinig ka sa'kin!!!"

Pilit na pinahaharap niya si David sa kanya pero dedma lang ang magaling kong kababata. Naglagay pa ng earphone sa tenga. Talak tuloy nang talak si Mel sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Di ko alam kung bakit hindi sila magkasundo samantalang parehas ko naman silang ka-close.

Muli akong tumingin kay Justin. Tahimik pa rin siyang nagbabasa. Ang gwapo-gwapo talaga. Haaaay.

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon