For @JayAnnGallentes and @AlliahEuniceDeGuzman; thank youuu
--
TWELFTH CHAT
Jamie's POV
"Good morning, Jamie!" salubong sa'kin ni Justin nang sunduin ko siya sa tapat ng ice cream house. Ang ganda-ganda ng ngiti ni loko.
"Siguraduhin mo lang na importante yung gagawin mo mamaya!" banta ko.
"Kalmahan mo lang," awat niya na bahagyang natatawa. "Ang aga-aga, ang init ng ulo mo. Magsisimba pa man din tayo."
Inirapan ko na lang siya. "Let's go." Nagsimula na kaming maglakad.
"Sasakay ba tayo ng tricycle or maglalakad lang?" usisa pa niya sa'kin, ayaw talagang manahimik.
"Maglalakad lang. Malapit lang dito yung simbahan."
"So, dito lang pala talaga sa area na 'to yung bahay n'yo?"
Tumango ako.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa simbahan. Sakto lang ang dating namin kasi naglalabasan pa lang yung mga nagsimba sa unang mass.
Pumasok na kami ni Justin sa simbahan. Akmang uupo na siya sa bandang likod nang sinaway ko siya.
"Justin!" pabulong na sita ko. "Ayoko diyan. Dun tayo sa harap."
"Harap? As in, harap na harap?"
"Yes."
Wala naman siyang nagawa kaya sumunod na lang sa akin. Sa pinaka-unang row nga kami umupo. May 30mins pa before mag-start yung next mass.
Dahil naghihintay, hindi ko naiwasang obserbahan si Justin. Para siyang batang naglilibot ng tingin sa simbahan, partikular sa kisame.
"Ang ganda ng church na 'to, Jamie," komento niya.
"I know. First time mo bang magsimba rito?"
Tumango naman siya habang nililibot pa rin ang tingin. Kung sa ibang sitwasyon, matatawa siguro ako sa itsura niya.
"Alam mo ba, pag first time mo raw magsimba sa isang church, pwede kang mag-wish," sabi ko.
Agad naman siyang napatingin sa'kin. "Talaga?"
"Uh-huh."
"Anything?"
"Anything."
Muntik na 'kong matawa nang bigla siyang pumikit para mag-wish, buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Hindi ko kasi akalaing may cute side pala si Justin.
"Gusto mong malaman kung anong winish ko?" tanong niya agad sa'kin nang dumilat siya.
"Pag sinabi mo raw sa iba ang wish mo, hindi matutupad," sagot ko.
"Ay talaga?"
"I can't believe you don't know that."
"Osige na nga. Next time ko na lang sabihin kapag natupad na."
"Ssshhh," sita ko sa kanya nang magsimula nang magsalita ang commentator.
Nanahimik na rin naman siya. Buong mass ay nakinig lang siya nang mataman sa readings and homily katulad ko.
Maayos ang naging takbo ng mass hanggang sa dumating yung part na kailangan nang kantahin yung Our Father. Ngayon ko lang narealized na may ganitong bahagi nga pala ang misa!!!
Tila biglang namawis ang kamay ko dahil sa kaba.
Maghahawak kami ng kamay ni Justin!!!
Nagtaka ako nang bago magsimula ang pag-awit ng The Lord's Prayer ay nakipagpalit ng puwesto sa'kin si Justin. Napasilip tuloy ako sa katabi niya na kanina ay katabi ko.
BINABASA MO ANG
Chatmate Ko Si Crush!
Teen FictionAnong gagawin mo kung nagkaroon ka ng pagkakataong makachat ang crush mo?