Sixth Chat

21 3 0
                                    

SIXTH CHAT

Jamie's POV

Kinakabahan ako ngayong araw. Ngayong araw kasi ang 7th monthsary ni Justin at Micaella. Hindi pa ulit nagmemessage si Justin sa page. Basta, nagpasalamat lang siya sa'kin sa huli niyang chat. Hindi ko na alam kung anong plano at napagplanuhan niya.

Wala pa rin siya. Maaga pa naman para sa klase pero nagwoworry lang talaga ako.

"Hi, Jamie mylabs!" nag-abot sa'kin ng isang gumamela si David. "For you!"

Nag-aalangang tinanggap ko iyon. "Para sa'n?"

"Wala naman. May nadaanan lang kasi akong puno ng gumamela diyan sa labas tapos naalala kita," binawi niya sa kamay ko ang gumamela at inipit niya iyon sa tenga ko. "Ayan, ang ganda mo talaga!"

"Ano na namang ginagawa mo sa bestfriend ko?" Singit naman ni Mel.

Nagbabangayan na naman ang dalawa nang pumasok si Justin. May dala siyang bouquet ng bulaklak. Pagpasok na pagpasok niya ay nagkatinginan kami.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Palakas nang palakas habang palapit siya nang palapit.

Nagulat ako nang sa tapat ko siya dumiretso.

"Good morning," bati niya.

"G-good morning..." nauutal na sagot ko.

"Anong kailangan mo?" Biglang singit ni David.

Si Mel naman ay mistulang nanunudyo sa mga tingin na itinatapon niya sa'kin. Pasimple ko pa siyang sinasaway.

"Guys, alam kong hindi tayo ganong close pero kakapalan ko na ang mukha ko," panimula ni Justin atsaka tumingin sa'kin. "Isa pa, si Jamie na yata ang pinakaclose ko sa block na 'to kahit na isang beses pa lang talaga kaming nagkakausap. Kailangan ko ng tulong n'yo."

Napalunok ako.

"Sosorpresahin ko kasi sana si Micaella. Magkaaway kasi kami at monthsary namin ngayon. Tulungan n'yo naman ako please," nagsusumamong pakiusap ni Justin.

"Sus, yun lang pala. Oo naman. Ano bang gagawin?" Agad naman na pagpayag ni David.

Nakasimangot namang nakikinig si Mel.

Tumingin naman si Justin kay Mel. "Mel, I need your help since ikaw ang monitor ng class."

"Ayoko nga," mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ni Mel.

Bahagya ko pa siyang siniko nang makita ko ang disappointment sa mukha ni Justin. "Mel! Humihingi ng tulong si Justin nang maayos, ano ka ba."

"Seryoso ka ba?!" Tanong naman ni Mel sa'kin na tila hindi naririnig ni Justin at David ang pinag-uusapan namin.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

She sighed, senyales ng pagsuko. "Fine. Ano bang kailangang gawin?"

"I'll tell you guys later." Sagot ni Justin nang pumasok na ang prof namin. Tinapunan niya muna ako ng tingin at ang gumamela na nakaipit pa rin sa tenga ko. Matamis siyang ngumiti, "Bagay sa'yo."

--

Binasa ko ang note na hawak ko.

Please give me another chance. I love you.

Napabuntong-hininga ako. Ako ang huling magbibigay ng note kay Micaella.

Iyon ang binalak ni Justin. Vacant namin at vacant din ni Micaella kaya hiningi niya ang tulong ng buong klase—siyempre sa tulong ng monitor namin na si Mel.

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon