Fourth Chat

33 3 0
                                    

FOURTH CHAT

Jamie's POV

Napaaga yata masyado ang pasok ko kaya ako pa lang mag-isa sa room. Dumiretso ako sa upuan ko at nagsalpak ng earphones. Nagpunta ako sa Avril Lavigne playlist ko at tumugtog ang kanta niyang When You're Gone.

Habang nagpapatugtog ay nagbukas ako ng FB. Nagbasa-basa ako sa page ko. Andaming notifs and messages.

Nag-post ako:

When he/she's gone, kakayanin mo ba?

Np: When You're Gone by Avril Lavigne

Bahagya pa akong nagulat nang dire-diretsong pumasok si Justin ng classroom.

Ngumiti siya sa'kin, "Good morning."

Hindi ko alam kung sasagot ako. Feeling ko kasi mauutal ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Ah—good morning."

Umupo na siya at nagpaka-busy sa phone niya habang ako, eto, di pa rin maka-get over.

Actually, hindi naman talaga big deal yung ginawa niyang pag-greet sa'kin dahil ganun naman talaga siya kahit kanino. Pero ewan ko ba.

Nagpaka-busy na lang din ako sa phone ko at nagbasa-basa ng comments.

Hazel Zipagan  noooooo.... Siyempre hindi. Kahit na crush ko lang siya. :(

Daniel Josh Ü matagal na siyang wala sa'kin, Admin J.

JM Cuentos   OMG!!! Little blackstar ka rin ba, Admin J?! Fan po ako ni Avril Lavigneeeeee! 😍
reply: Crush Ko Lang Siya  Yes! LBS din akooooo! Yay! —Admin J

Nalibang na ako masyado sa pagbabasa ng comments kaya hindi ko na rin masyadong napansin kung anong ginagawa ni Justin.

*scroll*

Justin Vergara  Di ko kakayaning mawala ka Micaella Piamonte. I love you, Babe! 💕

...

Nag-comment siya.

Napatingin ako kay Justin. Nagpo-phone pa rin siya at mukhang nagbabasa-basa pa rin sa page ko.

Naisipan ko tuloy magparinig sa kanya sa page kaya nag-post ako ulit.

Hi sa crush ko! Alam kong nagbabasa ka rito ngayon! Stay strong sa inyo ng girlfriend mo kahit masakit. 💔

Tumingin ako ulit kay Justin. Busy pa rin siya sa phone niya. Nabasa niya kaya?

Justin Vergara and 45 others like this.

Nabasa niyaaaaaaa! Pero wala man lang siyang kaalam-alam na siya yung tinutukoy ko.

Michelle Trish Chu  kawawa ka naman, Admin J. Parehas tayo huhu.

JM Cuentos  Malay mo mag-break sila para kayo na lang ni crush.

Jerald  Stay strong daw, aw.

Luis Milloria  Admin J, pa'no mo nalamang nagbabasa dito NGAYON yung crush mo? Ikaw ah! Hahahaha.
reply: Crush Ko Lang Siya  Nakikita ko.
reply: JM Cuentos stalkeeeer! Haha.
reply: Jerald  HAHAHAHAHA

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon