Ninth Chat

19 3 0
                                    

NINTH CHAT

Justin's POV

Justin Vergara:  Ikaw pala, Admin J, wala ka pang naikekwento sa'kin.
Crush Ko Lang Siya:  Tungkol saan?
Justin Vergara:  Kung may nagugustuhan ka.

Matagal bago siya nagreply.

Crush Ko Lang Siya:  May nagugustuhan ako, oo.

Tinitigan ko ang reply niyang 'yon. So, may nagugustuhan pala si Admin J. Mapait akong napangiti.

Hindi pa naman ako hulog na hulog sa kanya pero bakit parang kumirot ang puso ko sa kaalamang may nagugustuhan siya? Normal lang naman 'yon sa age namin so dapat inasahan ko na 'yon.

Oo, si Admin J ang ikinwento ko kay Jamie nung nakaraan. Siya yung sinasabi kong special sa'kin ngayon. Ang weird kasi hindi ko pa naman siya nakikita—kahit man lang sa picture—pero naging special na siya sa'kin.

Justin Vergara:  Tell me about it.
Crush Ko Lang Siya:  typing...

Brace yourself, Justin.

Crush Ko Lang Siya:  May nagugustuhan ako pero wala siyang gusto sa'kin. One-sided love.
Justin Vergara:  Siya ba yung nasa posts mo dati?
Crush Ko Lang Siya:  Yup.
Justin Vergara:  Akala ko ba crush mo lang yon?
Crush Ko Lang Siya:  Akala ko rin e. Haha. Pero normal ba yon? Crush ko siya, mahigit tatlong taon na.

So, may special someone na pala talaga si Admin J. Well, what do I expect?

Justin Vergara:  Woah, tagal na rin ah. Wala man lang bang progress?
Crush Ko Lang Siya:  Hmm...
Crush Ko Lang Siya:  Meron kung sa closeness kasi mas naging close na kami unlike dati na hindi talaga kami nagkakausap.
Justin Vergara:  Dun lang? So, friends pala kayo.
Crush Ko Lang Siya:  Close kami, oo. Pero friends? Mahirap ding sabihin. Nandun yung closeness, oo. Pero parang hindi mo rin kami matatawag na friends. Haha. Ang gulo 'no? Gets mo ba?
Justin Vergara:  Yep. May mga ganon naman talaga. Kahit ako, may ganyan akong kakilala. Close kami, pero parang di mo rin kami matatawag na "friends." She was there nung lugmok ako pero ewan ko ba, parang may gap kasi e. Parang may wall between us.
Crush Ko Lang Siya:  Why do you think so?
Justin Vergara:  I don't know. Hindi niya naman ako iniiwasan pero parang feeling ko, ilag siya sa'kin. Parang ayaw niyang ipaalam sa'kin yung buong pagkatao niya. Parang lagi siyang may tinatago. She's so mysterious. She's a mystery.
Crush Ko Lang Siya:  What's her name?
Justin Vergara:  Jamie.

--

Jamie's POV

Napatitig ako sa reply niya. Oo, may hinala na ako sa kung sinong tinutukoy niya pero nagulat pa rin ako na ako pala talaga.

Naiiyak ako sa inis.

Ganyan ka ba talaga kamanhid ha, Justin?

Crush Ko Lang Siya:  Ah, okay. :)
Crush Ko Lang Siya:  So, what about you? Tell me about this "special girl." Diba nabanggit mo na parang may special na ulit sa'yo ngayon?
Justin Vergara:  Yep. Pero tsaka ko na lang ikekwento kapag sure na sure na 'ko.
Crush Ko Lang Siya:  Hindi ka pa sure?
Justin Vergara:  Well, it's too early for me to be so sure. Hindi pa 'ko lubusang nakakalimot sa nangyari sa'min ni Mica. I can tell that this girl is special though, but I don't want to entertain the idea yet since she's so special and ayoko siyang maging rebound.

Why? Bakit nasasaktan na naman ako? Nasasaktan ako nang paulit-ulit nang dahil sa iisang lalaki.

Crush Ko Lang Siya:  She must be very special, then. :)
Justin Vergara:  Yes, she is.

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon