Tenth Chat

19 3 0
                                    

TENTH CHAT

Jamie's POV

Walang pasok pero dahil sobrang init ay nag-decide akong lumabas ng bahay para kumain ng ice cream sa isang ice cream house malapit sa'min.

Wala pang 15 minutes ay nasa ice cream house na 'ko. Dali-dali akong pumasok para makalanghap na agad ng aircon. Sa sobrang init, feeling ko ay ilang pounds na agad ang nabawas sa'kin dahil sa sobrang tagaktak ng pawis ko.

Pero imbes na matuwa pagpasok ay di ako agad nakakilos. Nandun din si Justin—kumakain ng ice cream—mag-isa. Gusto ko sanang lumabas na lang pero nakita niya na ako e.

"Hi," nakangiting bati niya sa'kin nang dumaan ako para umorder.

Nginitian ko rin siya at dumiretso sa counter. "Cookies & Cream po, yung pinakamalaking cup, Ate."

"Toppings?"

"Oreo."

"Ano pong name?"

"Jamie," sagot ko at iniabot ang bayad ko.

"Sige po, tatawagin ka na lang po, Miss Jamie."

Napailing ako. "Hindi, hihintayin ko na—"

"Jamie!" Tawag ni Justin mula sa table niya na medyo malapit lang sa counter. "Dito ka na umupo."

Muli kong binalingan ang nagtitinda. "Sige, upo na lang pala muna ako."

Nginitian niya lang ako bago ako tumalikod.

Pagkaupo ko sa harap ni Justin ay tsaka ko lang narealized na bukod sa'ming dalawa ay dalawa lang din ang iba pang customers na nandoon.

"Hindi ka rin nakatiis sa bahay n'yo 'no? Ang init diba?" Natatawang sabi niya.

"Kanina ka pa rito?" Sa halip ay tanong ko.

Umiling siya. "Nope. Halos kadarating ko lang din."

Napatango naman ako. "Ahhhh. Malapit ka lang dito?"

Sumubo muna siya ng ice cream bago sumagot. "Hindi. Ikaw?"

"Malapit lang. Pa'no ka napadpad dito?"

Bahagya siyang natawa. "Kung makapagtanong ka naman parang bawal ako rito. Tsaka parang ayaw mong nandito ako."

Ayaw ko talaga, makaramdam ka naman.

"Hindi ah."

"Miss Jamie," tawag ng kahera.

Nag-senyas naman ako ng "wait" kay Justin bago ako pumunta ng counter at kunin ang order ko.

"Nabanggit lang 'to ni Mel sa'kin e," agad na sabi ni Justin nang makabalik ako.

"Alin?"

"Etong ice cream house. Nirecommend niya sa'kin nung nakaraan, masarap daw ang ice cream dito e. Malapit ka lang pala dito?"

Bwisit talagang Mel yan! Dapat hindi ko sinabi sa babaeng yon na tambayan ko ang ice cream house na 'to pag malungkot ako at pag mainit e. -.-"

"Yep." Sinimulan ko nang kainin ang ice cream ko.

"Cookies & Cream? Patikim naman..."

Napamulagat ako nang isubo niya sa sarili niya ang isang kutsara ng ice cream na akmang kakainin ko na.

"Ay, sorry," agad na paumanhin niya nang makita ang reaksyon ko. "Laway conscious ka ba? Sorry, hindi ko alam."

Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko kahit na kumakain na ako ng ice cream. "Hindi... Hindi naman."

"Gusto mo, tikman mo rin yung ice cream ko," alok niya.

Umiling ako. "No thanks. I don't like strawberry flavor."

"Ay ganon? Bakit? Masarap naman, ah."

Nagkibit-balikat na lang ako. Palihim na hindi pa rin nakakaget over sa ginawa ni Justin. Iuuwi ko talaga tong gamit kong plastic spoon. Promise.

Nang maubos namin ang ice cream namin ay tumingin siya sa relo niya. "It's just 1:34 oh. Nag-lunch ka na ba?"

"Hindi pa."

"Tara."

"Huh?"

"Let's have lunch."

Umiling ako. "Sakto lang ang dinala kong pera." Siyempre, dahilan ko lang yon para hindi na kami magtagal na magkasama.

"Treat ko na."

"E, ano—"

"Dali naaaa. Minsan lang 'to oh," pamimilit niya.

Lumambot naman ang puso ko. Unti-unti ring nabubuwag ang itinatayo kong pader sa pagitan namin. Ganito ba ako kapatay na patay sa kanya?

"Dali na, Jamie. Ayoko pang umuwi. Samahan mo muna ako."

I sighed. "Sige na, sige na. Basta libre mo ah?"

Ngiting wagas naman ang loko. "Oo. Sa'n mo gusto?"

Napangiti na rin ako. "Parang gusto kong mag-Jollibee."

"Jollibee it is!"

--

"Grabe ka, ang lakas mo palang kumain," natatawang komento ni Justin habang naglalakad-lakad kami sa park malapit sa kinainan naming Jollibee.

Natawa na lang ako. Naagaw ng pansin ko ang tatang na nagbebenta ng cotton candy.

"Gusto mo non?"

Ngumiti lang ako.

"Tara." Hinila niya ako palapit sa nagbebenta ng cotton candy. "Tay, dalawa nga po."

Napangiti si Tatang. "Alam n'yo bang lahat ng maggirlfriend at boyfriend na bumibili sa'kin ay ikinakasal sa huli."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Tatang. "Si Tatang talaga. Di naman po kami mag-boyfriend."

"Ay, walang halong biro, hija. May mga bumalik na sa'king mag-girlfriend at boyfriend noon na mag-asawa na ngayon para lang magpasalamat. Nung bumili raw kasi sila ng cotton candy sa'kin, yun daw yung araw na nagkadevelopan sila," pagkekwento pa ni Tatang kahit na naiabot niya na sa'min ang binili namin at nakapagbayad na si Justin—dahilan para hindi kami makaalis agad.

Napapangiti lang si Justin.

"Sige po, 'Tang, aalis na po kami. Salamat po," paalam ko.

"Sige, magpakatatag kayo ha."

Nagsimula na kaming maglakad-lakad ulit ni Justin.

"Naniniwala ka sa sinabi ni Manong?" tanong ni Justin.

"Hm, ewan. Pwede, siguro. Mas maniniwala ako kung boyfriend ko talaga ang kasama ko. E hindi naman tayo mag-couple kaya walang epekto sa'tin kung sakali mang may magic nga ang cotton candy ni Manong," natatawang sabi ko. "Ikaw?"

Napapangiting nagkibit-balikat lang siya.

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon