Seventh Chat

21 3 0
                                    

SEVENTH CHAT

Jamie's POV

Pagkacheck ko sa page ko nang makauwi ako ay may message na si Justin.

Justin Vergara: Admin J.
Crush Ko Lang Siya: Hello Justin.
Justin Vergara: Thank you sa advice mo last time ha?

Mapait na napangiti ako nang mabasa ko ang message niya. Dahil sa advice kong 'yon ay mas nasaktan siya pero hindi niya pa rin nakalimutang magpasalamat.

Crush Ko Lang Siya: Kamusta naman? Anong nangyari?
Justin Vergara: Fail nga lang. Haha. Pero okay lang, ganun talaga. May next time pa naman.
Crush Ko Lang Siya: Sorry.
Justin Vergara: huh? Bakit? Para sa'n?
Crush Ko Lang Siya: Dahil sa advice ko, nasaktan ka tuloy. :(
Justin Vergara: Ano ka ba, Admin J? Siguradong kahit hindi mo 'yon sinabi ay iyon ang gagawin ko.

Tama ang sinabi ni Justin. Sa pagkakakilala ko sa kanya, kahit walang nagsabi, paniguradong iyon ang gagawin niya. Pero hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko lalo na at nasaktan siya.

Crush Ko Lang Siya: Pero kahit na. :(
Justin Vergara: Osige, ganito na lang. Kung sa tingin mo, ikaw talaga ang may kasalanan, bumawi ka na lang.
Crush Ko Lang Siya: Huh? Pa'no?
Justin Vergara: Since brokenhearted ako ngayon, siguradong lagi akong maghahanap ng makakausap. Okay lang ba kung lagi akong magmemessage dito sa page mo pag nalulungkot ako at kailangan ko ng kausap?

Lagi? So madalas na kaming magkakachat?

Crush Ko Lang Siya: Oo naman. It's the least I can do.
Justin Vergara:  O edi okay na, wag mo nang sisihin ang sarili mo.
Crush Ko Lang Siya:  Ang bait mo talaga.
Justin Vergara:  Di mo pa nga ako nakikilala sa personal e. Haha.

Haaaayyy. Kung alam mo lang, Justin! :(

Crush Ko Lang Siya:  Hindi pa nga pero feeling ko, mabait ka tsaka sobrang humble. :)
Justin Vergara:  Hindi naman. Haha. Sige na, Admin J, magmo-move on pa 'ko. :( HAHA. Joke. May gagawin pa 'ko. Next time na lang. Salamat ulit. :)
Crush Ko Lang Siya:  Walang anuman! :D

--

"Hi!"

Agad kong naitago ang phone ko nang marinig ko ang boses ni Justin. Nakita niya kaya? Kakatapos ko lang kasing magpost sa page ko.

"Ang aga mong pumasok lagi 'no?" Natatawang komento niya at umupo sa tabi ko.

Mukhang hindi niya naman napansin. Nakahinga ako nang maluwag.

"Anong ginagawa mo?" usisa niya.

"W-Wala naman. Nagbabasa-basa lang ng posts sa facebook."

Tumango-tango siya. "Ay, alam mo ba yung page na Crush Ko Lang Siya?"

Kung may iniinom lang ako, paniguradong nasamid na ako ngayon dahil sa tanong niya. "Hindi e."

"Talaga? Sikat yun ngayon e."

Umiling-iling ako. "Hindi ko nga alam."

"Nakakachat ko yung admin non."

Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang-pisngi ko. "Talaga?"

"Oo. Siya nga yung nag-advice sa'kin na sorpresahin ko si Micaella." May lungkot na dumaan sa mga mata niya pero dagli rin iyong nawala.

"Okay na ba kayo?"

Tumango siya.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako para sa kanya ngayong okay na sila.

"Okay na kami. Nakapag-usap na kami. Desidido siya sa sinasabi niyang cool off. Wag na raw muna kaming mag-act as boyfriend-girlfriend. Bigyan ko raw muna siya ng space kasi medyo nasasakal na siya. Mag-focus daw muna kami sa studies namin. Wag na raw muna kaming magpansinan."

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya habang nagkekwento siya. "Ano ka ba, cool off lang yan. Pagbigyan mo na muna."

Nagkibit-balikat siya. "Cool off, yeah. Pero alam naman natin kung sa'n talaga nauuwi yan diba? It usually ends with a break up so hindi na ako umaasa. Isa pa..."

Napatingin ako sa kanya nang humina ang boses niya. "Isa pa...?"

Umiling siya. "Wala. Nevermind."

Tiningnan ko lang siya.

"Anyway, gusto mong matry kausapin yung admin ng Crush Ko Lang Siya? Mabait siya, promise. Saglit ah. Ime-message ko." Inilabas niya ang phone niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?! A-Ano, wag na, ano ka ba."

"Hindi, okay lang yan. Nagkasundo naman na kami na pwede ko siyang i-message anytime. Ang saya kayang kausap non." Nag-ta-type na siya.

Sinubukan kong pigilan siya sa pagtatype. "Huwag na. Ako na lang. Ilalike ko yung page niya—"

"Sent!"

Saktong pagkasabi niya non ay tumunog ang phone ko. Yung sounds kapag may nag-message sa facebook.

Napatingin din siya sa phone kong nakataob sa desk ko.

Ako naman ay hindi nakakilos agad. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Jamie?"

Hindi ko masalubong ang tingin niya pero pinilit kong tingnan siya nang diretso. "B-Bakit?"

"May nagmessage sa'yo. Di mo titingnan? Baka mahalaga yan," aniya.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang mapagtanto kong hindi niya pa rin narerealized na ako at si Admin J ay iisa. Di ko naman akalain na may pagkamanhid pala si Justin. Sabagay, di man lang nga siya makahalatang may gusto ako sa kanya e.

Nang tingnan ko siya ay nakatingin lang siya sa phone niya.

"Uy?" Pukaw ko.

"Hindi nagrereply si Admin J e. Baka hindi online," parang batang sabi niya.

Bahagya akong natawa. "Akala ko naman kung ano."

"Pag ako nainis, ifa-flood ko 'to."

Napasinghap ako at agad siyang sinaway. "Baliw ka ba?!"

Natawa siya. "Joke lang."

Isa-isa nang nagdadatingan ang mga kaklase namin.

"Sige. Punta na ako sa upuan ko," paalam niya sa'kin.

Tinanguan ko lang siya.

Nang araw na iyon ay sobrang inspired ako sa klase at parang  ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

Napapansin ko kasi na parang nagiging malapit na kami ni Justin sa isa't isa. Never pumasok sa isip ko na pwede kaming maging close. Pero dahil sa angking-kabaitan niya ay hindi iyon naging imposible.

--

Justin's message

Justin Vergara:  Alam mo ba, Admin J. Nagkausap kami kagabi ni Micaella. Okay na kami. Pero ang sabi niya, mas gusto niya yung sitwasyon nila ni Arnold ngayon. Nahuhulog na raw siya kay Arnold...

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon