Fifth Chat

31 3 0
                                    

FIFTH CHAT

Jamie's POV

Ilang oras na ang nakalipas simula nang matapos ang klase ko. Hinihintay ko na lang si Mel dahil may klase pa siya.

Nakaupo ako sa ilalim ng puno, dito kami madalas magkita ni Mel. Favorite place namin dito kasi walang ga'nong tao at mahangin.

Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro habang naghihintay.

"I told you, wala 'yon! You're just too jealous!"

Napatigil ako sa pagbabasa nang may narinig ako sa di-kalayuan. Likod na parte na kasi ito ng school kaya walang ga'nong nagpupunta rito.

Bahagya akong sumilip mula sa kinauupuan ko at natutop ko ang bibig ko nang makita kong si Justin at Micaella iyon. Parang nag-aaway sila.

"You can't blame me, Mica! I can see the way you look at him. I can see how he looks at you," sagot ni Justin.

"Ang paranoid mo!" galit na sabi naman ni Micaella.

"Then, why are you so cold?"

Hindi umimik si Micaella.

"Why? Tell me. Are we okay?" Justin asked, begging for an answer. Hinawakan niya pa sa balikat si Micaella.

Tinanggal naman ni Micaella ang mga kamay ni Justin sa balikat niya. "You know what? We need space."

Nakita ko kung pa'nong parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Justin. Hindi siya kaagad nakapagsalita.

"No, Mica, no..." garalgal na ang boses ni Justin at parang maiiyak na anytime. "I'm sorry, I'm sorry. We can fix this. I love you, babe." Pinipilit niyang yakapin si Micaella pero nagpupumiglas ang babae. "Sorry kung pinagselosan ko yung kapartner mo sa project. I'm sorry."

"Stop it, Justin."

"No, Mica—"

"Mag-cool off muna tayo." Iyon lang at iniwan na ni Micaella si Justin.

Mula sa pwesto ko ay nakita ko kung paanong nanghihinang napaupo si Justin sa damuhan at tahimik na umiyak.

Habang pinapanood ko siya ay nababasag ang puso ko. Ito pala ang feeling kapag nakita mo ang taong mahal mo na umiiyak at nasasaktan.

Wait, mahal? No! Crush ko lang siya.

Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Na nakita at pinanood ko ang buong nangyari?

Pero maya-maya ay di ko namalayan ang sarili ko na lumapit na pala sa kanya at inabutan siya ng panyo.

Tumingin siya sa'kin tsaka tumayo. Binunot niya ang sarili niyang panyo mula sa bulsa niya at pinunasan ang mga luha niya. "Kanina ka pa?"

Nagkibit-balikat na lang ako at umiling. "Okay ka lang?"

"Nakita mo ang nangyari?"

Ayoko mang magsinungaling pero alam kong hindi niya nanaisin kung sakaling malaman niya na may nakakita ng pagkasawi niya. "Hindi. Kadarating ko lang tapos nakita kitang umiiyak dito. Anong nangyari?"

"Alright. Sorry, I gotta go." Tinalikuran niya na ako at nagmamadaling umalis.

Napabuntong-hininga na lang ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Binuksan ko ang page ko at muling nag-post.

So, ito pala ang feeling 'pag nakita mong nasasaktan at umiiyak ang taong mahal mo... dahil sa ibang tao. Sakit.

Michael Dela Rosa  Mahal? Mahal mo na, Admin J?

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon