Eighth Chat

24 3 0
                                    

EIGHTH CHAT

Justin's POV

Isang buwan mahigit na ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Micaella. Sa isang buwan na iyon ay isang tao lang ang halos napagsabihan ko ng lahat ng saloobin ko at iyon ay si Admin J.

Hindi ko man siya kilala sa personal, alam kong mabuti siyang tao. Ang tanging alam ko lang ay babae siya na kasing-edad ko. Ni hindi ko pa nga alam kung anong itsura niya e. Kahit ang totoo niyang pangalan ay hindi niya pa rin sinasabi.

Tuwing kausap ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Naaaliw din ako dahil masaya siyang kausap. Napapatawa niya rin ako sa mga biro niya.

Hindi ko pa man lubusang nalilimutan si Micaella, pakiramdam ko ay mas mapapabilis ang paghihilom ng puso ko dahil kay Admin J. Pina-realized niya kasi sa'kin na marami pang ibang babae diyan na pwede akong mahalin dahil sa mga katangian na meron ako. Pina-realized niya sa'kin ang worth ko. Na mabilis man daw akong ipinagpalit ni Micaella sa iba, makakahanap pa rin daw ako ng babaeng hindi ako ipagpapalit sa kahit kanino.

Hindi pa man kami nagkikita ay para na kaming matalik na magkaibigan.

Crush Ko Lang Siya:  Hindi ka ba magrereview? Diba sabi mo, exam n'yo bukas?
Justin Vergara:  Nagrereview ako ngayon. Haha.
Crush Ko Lang Siya:  Hala siya. Mamaya ka na nga magchat. Hahaha.
Justin Vergara:  Okay lang. Kaya ko namang mag-multitasking. Hahaha. Ikaw? Diba sabi mo, exam week nyo rin?
Crush Ko Lang Siya:  Oo nga. Nagrereview din ako. Hahaha. 😂
Justin Vergara:  Admin J, ang unfair.
Crush Ko Lang Siya:  Bakit?
Justin Vergara:  Alam mo ang itsura ko, pati ang pangalan ko, kasi facebook ko mismo ang ginagamit kong pangchat ko sayo. Pero ikaw, hanggang ngayon, Admin J pa rin ang tawag ko sa'yo. Never ka pa ring nagsend ng selfie mo. :(

Na-seen niya na ang chat ko pero hindi pa rin siya nagrereply kaya nagchat ako ulit.

Justin Vergara:  Baka mamaya, nakasalubong na pala kita dati, di pa kita nakilala.
Crush Ko Lang Siya:  Sorry. Kailangan ba talagang malaman mo kung sino ako? Wala kasi talaga akong pinagsasabihan e. Kahit mismong bestfriend ko, hindi alam na ako ang admin ng page na 'to.

Bahagya naman akong nanghinayang.

Justin Vergara:  Okay lang, Admin J. Hindi naman kita pinipilit. Basta pag handa ka nang ireveal ang sarili mo, ako ang una mong sasabihan bago mo ipost ah? Hahaha.
Crush Ko Lang Siya:  Oo naman. Hahaha. Sige. :)

--

"Kamusta ang exam?" agad na tanong ko kay Jamie nang makalabas siya ng room.

"Justin," sambit niya. "Nandito ka pa pala? Kanina ka pa natapos sa exam ah?"

"E wala naman akong pupuntahan e."

Tumango na lang siya.

"San ka na?"

"Huh?"

"San na ang punta mo?"

Sumilip siya sa classroom bago sumagot. "Hihintayin ko pa si Mel at David. Ikaw?"

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon