Thirteenth Chat

9 1 0
                                    

THIRTEENTH CHAT

Jamie's POV

Sadista yung crush ko. Masokista ako. So, hindi talaga kami pwede kasi ako yung kawawa.

Binasa kong muli yung post ko sa page ko at napabuntong-hininga na lang. Malinaw pa sa mineral at purified water na hindi talaga kami pwede ni Justin para sa isa't isa. Pag nagkataon, torture sa'kin 'yon.

Maya-maya pa ay nagmessage si Justin sa page ko.

Justin Vergara: Admin J?
Crush Ko Lang Siya: Hey, Justin.
Justin Vergara: I talked to Micaella a while ago.
Crush Ko Lang Siya: Micaella? Who is she again? Your ex?
Justin Vergara: Yes.
Crush Ko Lang Siya: O, anong nangyari?

At tinanong ko pa talaga ah? Kung hindi ba naman talaga ako masokista. Alam ko naman kung anong nangyari, ayoko lang maghinala si Justin na si Jamie at Admin J ay iisa.

Justin Vergara: We're okay na! :)
Crush Ko Lang Siya: Good for you!
Justin Vergara: No. I mean, we're okay na. We had closure na.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa chat ni Justin.

Closure...............

So, all along, nasasaktan ako para sa wala?! Nagmumukmok ako, hindi ko siya pinakinggan kanina nung gusto niyang magkwento, at nagdadrama ako para sa wala?!

Parang biglang gusto kong magsisisigaw dahil sa sobrang saya. Ang buong akala ko ay nagkabalikan na sila ni Micaella.

Justin Vergara: Still there, Admin J?
Admin J: Oo, sorry. May ginawa lang. So, you had your closure, huh?
Justin Vergara: Yep. I think tama lang 'yon. Para maging malaya na rin siya dahil obvious namang gusto niya na rin yung guy na kapartner niya sa project.
Admin J: I think you did the right thing.
Justin Vergara: You think so, Admin J?
Admin J: Yep. I'm really happy for you. :)
Justin Vergara: Thanks! :)
Justin Vergara: So, remember this lady I've mentioned before. My not-friend-but-close-acquaintance?

Hindi ako agad nakapagreply.

Crush Ko Lang Siya: Ah, yes. What's her name again?
Justin Vergara: Jamie.
Crush Ko Lang Siya: What about her?
Justin Vergara: She was with me when I talked to Mica.

Napaisip ako. Bakit nga ba? Naisip kong itanong kay Justin as Admin J yung hindi ko naitanong sa kanya as Jamie.

Crush Ko Lang Siya: Bakit?
Justin Vergara: Anong bakit?
Crush Ko Lang Siya: Bakit kasama mo siya? Nagkataon lang?
Justin Vergara: No, no. I really asked her to come with me.
Crush Ko Lang Siya: O? Bakit?
Justin Vergara: Actually, I don't know. Nung tinanong niya rin ako, ang sabi ko lang, feeling ko siya dapat ang kasama ko pag ginawa ko yon.
Crush Ko Lang Siya: Bakit siya? I mean, sabi mo, you're not really friends diba?
Justin Vergara: Sana nga alam ko kung bakit. Ewan ko. Sabi niya naman hindi ko obligasyon na i-update siya sa nangyayari sa buhay ko. Siguro dahil tinulungan niya rin ako dati nung nagkakalabuan kami ni Mica.

Yun lang? Hay, ba't ka ba umaasa, Jamie?

Crush Ko Lang Siya: Sabagay. Ba't pala naisipan mong manghingi ng closure?
Justin Vergara: Diba I told you na may nagiging special sa'kin lately?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chatmate Ko Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon