Antigong Higaan Niya

33 3 0
                                    

Naalala ko pa,
'nong panahong lipas na,
Ngiti mong kay sigla,
Nasisilayan ko pa.

Naalala ko pa,
Sa tuwing makikita kita,
Labis mong saya,
Nakikita ko sayong mata.

Naalala ko pa,
Noong huli mong kaarawan,
May ngiti sa aking labi
Dinalaw pa kita.

Naalala ko pa,
Noong huli kong haplos sayo;
Ang huli kong nagawa,
Ay suklayan pa kita.

Sa luma mong higaaan,
Nakahiga ang lanta mo nang katawan;
Hinang-hina ngunit patuloy na lumalaban;
Ah, oo, naalala ko pa.

Ang mga salita mong binanggit,
Sa isip ko ay sumasaglit;
"Sana kinabukasan,
Buhok ko'y iyong kulayan."

Naalala ko pa,
Ang bagong panganak niyong aso,
Kunwa'y iyong binasbasan,
Iyo pang pinangalanan.

Saglit sa aking isipan,
Naalala ko pa,
Ang tingin mo sa akin,
Ako'y natutunaw, unti-unti.

Sa saglit na kita'y kapiling,
May ngiti sa iyong labi,
Masaya kang makita,
Ako, kami, sa huli mong araw.

Sa iyong higaan,
Ika'y prenteng nakupo, nakamaang,
Apparatus ay nilalagay,
Naka-oxygen pa kung minsan.

Ang mahina mong katawan,
Nilalabanan ang karamdaman,
Kahit na nahihirapan,
Ayaw kasing iwanan ang katipan.

Alas tres ng madaling araw,
Mata'y napapikit ng tuluyan,
Pagod ay nadama,
Ako'y nakatulog nga.

Walang kamuwang muwang,
Malakas na katok sa pintuan,
Daliang binuksan,
Kahit na inaantok pa.

Biglang napamulat,
Nagising ang diwa;
Lolo kong mahal,
Siya'y tuluyan ng lumisan.

Sa antigo niyang higaan,
Ang paborito niyang pahingahan,
Sa huli palang alaala,
Doon siya ay makikita.

Di makapaniwala,
Ni halos ayaw makita,
Sa kanyang pagpanaw,
Ako'y patuloy na nginingitian.

Sa kanyang antigong higaan,
Prenteng nakahiga,
Maaliwalas na mukha,
Hinalikan ko siya.

Sa masayang pagpanaw niya,
Nakaimprentang ngiti sa labi niya;
Maganda ang mga ngiti niya,
Alam kong masaya siya.

Como ImprentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon