Mga Patak ng Araw

3 1 0
                                    

Nagsisilbing kanlungan ng isang panaginip
Matayog at nanunuot sa aking isip
Dinadama ang bawat pagpatak ng init
Lumalapnos ang aking balat sa hapdi

Umuulan ba?
Parang asido ang sinisipsip ng aking balat
Humahalimuyak ang usok na nalalanghap
Habang ang tinig ng sakit ang tumatatak

Sa aking isip sumasariwa
Ang araw na tayo ay nagkasama
Mga ngiti mong kasing liwanag
Ng araw na aking nakikita

Teka, araw nga ba iyon?
Pero ulan ay umaagos
Pumapatak sa lupa ng kahapon
Hinahangad na bumalik ang dapit hapon

Na ang dating ako at ikaw,
Narito lang at nakatunghaw
Hinihintay ang tamang sagot
Sa mga tanong na nalimot

Mahal ko, ang ulan ang tanging alaala
Ng mga araw na tayo ay magkasama
Tanging alaala nalang pala
Hindi na ba maibabalik pa?

Dapat malamig ang dama ko sa bawat patak,
At hindi pawis na tumatagaktak
Pero kasi naman, ang init pala ng pakiramdam
Dahil ang alaala natin ay tanging nasa ulan

Como ImprentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon