Ang sabi ng pinuno, "Sumunod ka sa akin, ako ang iyong amo. Wala kang ibang paglilingkuran bukod sa akin."
Sumagot ang tagasunod, "Opo, mahal na pinuno."
Hindi nababatid ang pagsunod ng mga tao sa kaniyang utos. Ang buong sambayanan ay umiibig at tumitingala sa kaniya; inaawitan at pinasasalamatan; pinupuri at sinasamba.
Magaling ka sana, kaya lang ay nagkukulang pa. May iba kasing inuubos ang sinag ng iyong kasikatan. Ang araw mong nililikha ay unti unting dumidilim, nauupos na respeto dahil sa sagradong lihim.
Lumilipas ang panahon, magingat ka. Ang sinag ng iyong kasikatan ay nawawala na. Darating ang panahon na mauubos ka. Dahil ang mga sumusunod sa iyong yapak, binubura ang iyong naiwang marka.
Lumingon ka upang makita mo ang ginagawa niya sa tuwing sasabihin ang salitang, "Sumusunod ako sa iyo." Dahil hindi mo malalaman kung totoo nga iyon. Pakiramdaman mo ang dinadaanan mo. Baka mamaya ay nawala ka na pala, at iniwan ka na niyang mag-isa.
Hindi ka makikita ng tao kung ang bakas ng iyong paa ay nawawala. Kaya't siguruhin mong hindi niya binubura ang iyong alaala. Ayoko lang na maging mag-isa ka pagdating ng araw. Dahil sa isang pagkakataon, inakala kong naging masama ka.
Hindi ikaw ang masama, kundi ang mga kasama mo; sinisipsip nila ang kayamanan mo. Ang tamang daan ay nabatid nila, habang ikaw ay hinayaang mawala sa lilim ng araw.
BINABASA MO ANG
Como Imprenta
General FictionKoleksyon ng iba't ibang uri ng panitikan sa aking utak.