Hanggang ngayon dala ko parin ang pangungutya mo sa akin. Hanggang ngayon, nakatatak parin sa isip ko na hindi ako magaling kahit saan. Ipinaramdam mo sakin ang kawalang halaga ko. Ipinaramdam mo sa akin na walang kong ibang kayang gawin kundi ang mag-aral. Hindi mo ako tinanong kung anong problema ko, ano gusto ko o kung kamusta na ba ako. Hanggang ngayon dala ko pa rin lahat ng hinanakit ko sayo.
Dapat nga masaya ko na wala nang tao na magpaparamdam noon sa akin. Dapat malaya na ako pero parang mas lalo akong nabihag ng mga patibong mo.
BINABASA MO ANG
Como Imprenta
General FictionKoleksyon ng iba't ibang uri ng panitikan sa aking utak.