May nakasalubong akong dalawang batang makulit. Nanghihingi sila ng pagkain sa akin noong bumibili ako ng isang stick ng isaw na isinawsaw sa maanghang na may suka.
Kung susuriin, nakakaawa nga ang dalawa.
Gusto kong magbigay. Gusto ko ang pakiramdam na may natutulungan ka. Ang mga mukha nila ay malapit na sa gusgusin. Malalaki ang damit at tila wala pang salawal panloob. Ngunit sa ibang bata na nakita ko, sila ang kakaiba.
"Ate, akin nalang po iyan," ani ng batang lalaki na matangkad pa sa isa. May ngiti sa kaniya. At sigurado na ang ngiti na iyon ay para mauto ao na ibigay sa kanya iyon.
Dalawang piraso palang ang nakain ko. Wala pa sa kalahati ng stick na binili ko. Maniwala ka, gusto ko magbigay. Hindi ako maramot. Hindi ako makasarili, pero maganda bang ugali na hindi pa nakakakain iyong tao ay kinukuha mo na agad ang pagkain nito? Maganda ba na isusubo mo pa pang ang pagkain na binili mo, nakaabang na sa baba nito ang kamay na nanghihingi?
Gusto ko sana magbigay pero parang hindi karapat-dapat.
Kaya't sa inis, ang nagawa ko nalang sabihin ay, "Hindi pa nga ibinibigay, kinukuha mo na, bata. Kabastusan sa kumakain ang ginagawa mo. Maghintay kang mabigyan hindi iyong nang-a-agaw ka na, hindi magandang ugali iyan."
Kaya't hindi lahat ng batang kalye ay tinutulungan at binibigyan. Masyado silang nasasanay sa panghihingi na hindi na nila naiisip na magsikap upang makamit ito. Sa halip, mas lalo pa silang humihingi at nang-aabuso sa kabutihan ng iba. Kailangan, piliin lang ang mga taong bibigyan ng biyaya lalo na kung karapat dapat o hindi.
BINABASA MO ANG
Como Imprenta
General FictionKoleksyon ng iba't ibang uri ng panitikan sa aking utak.