The Epitome of Bakit

14 3 0
                                    

Bakit may araw?
Bakit may gabi?
Bakit may buwan?
Bakit may mga bituin?
Mga bituin na unang nakita ko sa mga mata mo
Sa mga mata mong nangungusap, kumikinang
Mga matang nahulog na ako noon
At kung makita kitang muli,
Mahuhulog ako ulit, at ulit, at ulit

Bakit nagkaroon ng tanong?
Bakit naimbento ang ano?
Bakit tinanong ang sino?
Bakit inabot ng kuryosidad ang paano?
Bakit may bakit?
Teka, teka, baka ibang 'bakit' ang isipin mo.
Hindi yung 'bucket' ng chicken, ha.
Yung 'bakit' na 'bakit'
Yung nagtatanong, yung naghahanap ng sagot
Yung hinahanap hanap ko
Sagot na sana malaman ko
Kung bakit tayo nagkaganito
Bakit nawala ang pagmamahal mo
Bakit nagsisilbi nalang itong alaala sa mga gabi ko
Bakit nangyari ang mga ito?
Bakit nawala ang 'tayo'?
Bakit kahit anong pilit kong kalimutan ang mga alaalang ito,
bumabalik parin ako? Tinitignan ko ang sarili ko
noong una na di ka pa dumadating sa mundo ko
Masaya naman ako noon diba?
Pero bakit parang sinira mo?
Nung dumating ka sa buhay ko, sakit nalang ang idinulot mo
Hindi dahil sa bitter ako pero totoo,
Sanay na ako sa sakit na ibinibigay mo
Yung mga pagkakataon na sasabihin mo
Na gusto mo ako
Pero sasasabihin mong joke lang yon
Sanay na ako na ibaling mo sa iba ang tingin mo
Yung isang beses na magkasama tayo
Nagkukuwentuhan; titingin ka sa malayo
Nung sinundan ko, nakatingin ka sa maskulado
Sanay na ako na lagi mo kong iiwan sa ere pagkatapos pangitiin
Yung sasabihin mo sakin na ang cute ko
Pero sa huli sasabihin mong
Hindi ako ang tipo mo
Sanay na ako na pakiligin mo tapos babawiin lang din sa huli
Yung tagpo na hahalikan mo ako sa pisngi
Kakaway sa akin bago umuwi
At sasabihin mong, "Babay, Kuya Lodi!"
Sanay na ako

Pero bakit nagtatanong parin ako?
Siguro kasi dahil naramdaman ko
Na mayroong pagmamahal ang kwento natin
Na baka mayroon naman kasi
Baka wala lang gustong umamin
Baka naman ayaw mo lang sabihin

Pero baka naman umasa lang ako
Umasa lang ako sa mga senyales na ibinigay mo
Na baka wala lang naman yon
Pero dahil may gusto ako sayo
Kaya umasa ako

Ngayon, naiisip ko na ang tanga ko
Ang tanga ko siguro na umasa ako
Baka sakaling magkaroon ng tayo
Kahit alam ko na ito'y malabo
Tayo. Malabo. Malabo. Tayo.
Ang sakit pala.

Pero bakit mo ginawa iyon?
Bakit mo ako pinaasa sa salita mo?
Sa ipinaramdam mo?
Sana sinabi mo ng maaga
Para hindi ako nagmukhang tanga
Para sa bandang huli, kaibigan pa kita
Para hindi ako nagpadala sa mga hinala
Para hindi ako umasa na mayrong mapapala

Ayoko sanang sisihin ka kung bakit ako nagkakaganito
Pero hindi ko maiwasan, eh
Nakita ko, naramdaman ko
Pero iba ang sinabi mo
Iba ang lumabas sa bibig mo
Ang mga ito ang dumurog sa puso ko
Ang sumampal sa akin sa reyalidad
Na malabong maging tayo
Na mukha lang akong 'gago' na sumusunod sayo
Nakalimutan ko...

Na hindi ako ang kamahal mahal na tao sa mundo
Kasi minsan sa buhay ko, ipinaramdam mo
Ang naging importansya ko
Kaya bakit tayo nagkaganito?
Bakit mo ako ginanito?
Bakit mo nasasabi ang mga ito?
Ang mga salita mo na nagudyok sakin na sabihin ito
Kung bakit walang tayo.

Como ImprentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon