Namimiss na Kita

7 1 0
                                    

Namimiss na kita, nasaan ka na ba?
Namimiss na kita, makikita pa ba?
Nais ko nang marinig ang tinig mo
Gusto ko ring magpunta sa mga bisig mo

Alam kong malabo na na tayo ay magkita
Nasa malayo ka na, di na makababalik pa
Nais kitang hagkan, yakapin at makita
Kasi miss na kita, makamusta man lang sana

Alam kong madalas tayong magtalo
Pero alam kong sa huli, talo parin ako
Ikaw ang tama, iyon ang alam ko
Gusto ko lang na may diskusyon tayo

Saan ka na kaya, ayos ka na
Hindi ka na mahihirapan pa
Hindi narin tayo magtatalo katulad noon
Dahil masaya ka na sa buhay mo ngayon

Alalahanin mo nalang ako
At aalalahanin ko rin ang tayo
Ang mga memorya mo sa utak ko
Ang magsisilbing tanglaw ng buhay ko

Miss na kita, mahal ko
Maglaho ka man sa piling ko
Alam ko namang masaya ka na diyan
At palalayain ko na ang ating alaala

Ang mga alaala mo na narito sa puso ko
Sa mga masasaya at malungkot na tagpo nito
Nakaukit at nandito lamang sa puso ko
Natatanging ganda ng buhay mo

Como ImprentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon