Magandang umaga
Magandang tanghali
Magandang hapon
Magandang gabiBinabati kita, aking kaibigan
Kamusta ka na, mabuti ba'ng kalagayan
Tila yata kay tagal na
Noong tayo ay huling nagkitaMaayos ka ba?
Siguro nga pangarap mo ay natupad na
Malayo na rin ang iyong narating
Siguro ito ay nakamit mo na rinAh, ako, kamusta na?
'Wag mo 'kong alalahanin, maayos pa
Hindi na kailangang malaman pa
Baka ikaw lang ay madismayaNarito parin ko, sa ating tagpuan
Hindi na ako muli pang umusad
Kaya, heto ako, nalulugmok sa hirap
Pero hindi ka sinisisi, kahit ikaw ay mahal pa