Pagkadating namin sa may gate nila Cy ay bigla na lang niya akong niyakap. Nanlaki yung mga mata ko.
Oh Em... Whut iz ze meaning of tis??"Uyy, M. Bakit may hug? Ano 'to?" tanong ko sa kaniya habang niyayakap niya pa din ako.
"Ehem!" bigla akong napatingin sa may likod ni M. Mabilis ko siyang naitulak. Pa'no, nasa likod pala ni M sila Mich. Nakangisi sa amin si Mich habang si Cy naman ay nakakapit sa braso ni Alyss.
Hindi ako makatingin sa mga mata ni Cy... Badtrip kasi 'to si M ehh, hay nako.
"Ehem! Haha! A-ano sige M. Salamat sa pagbisita. Text na lang tayo. Mukhang ready to go na sila eh. Hehe" argh! Nakakainis! Ano ba naman 'yan. Ang awkward ng eksena. Gravity
"Oh, pa'no M? GTG na kami. Nice to see you here." sabi ni Alyss na naglakad na palampas sa pwesto namin ni Mhilbert.
Nakaka-ilang hakbang na din sila nang lumingon ulit siya sa gawi ni M. " 'nga pala, GTG means got to go. Pero may isa pang meaning..." ngumisi muna siya bago nagsalita ulit, "Gora tropang gorge." Sabay lakad ulit palayo sa pwesto namin ni M.
Napatingin naman ako kay M. Nakangiti siya habang nakatingin sa likod nila Alyss nang mapalingon siya kasi siniko siya ni Mich. "Pa'no Mjoy? Una na kami. Sunod ka agad ha? Sige M, see you when we see you."
Tumingin lang sa akin si Mich. Ngumuso siya paturo sa van. Gets ko na, mukhang aalis na nga kami. Tumango ako kay Mich bago ko ulit hinarap si M na nakatingin pala sa akin.
"M... I really have to go.” sabi ko sa kaniya, nginitian ko pa siya ng alanganin bago nagdesisyong maglakad na. Medyo nalungkot ako nung di na niya ako sinagot nung magpaalam ako kaya nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko hilahin ako patungo sa van na sasakyan namin."Hatid na kita dun. Ang daya nyo naman, bakit girls lang ang may lakad? Bakit di kayo nagsabi?" sabi ni M habang naglalakad kami. "Sorry M. Next time na lang. Medyo confidential saka girl bonding kasi 'to kaya hindi kami nagyaya." sabi ko kay M.
Malapit na kami sa may van nila Cy nung magsalita ulit si M. Huminto siya paglalakad at dahil hawak ang kamay ko, napahinto ako sa paglalakad.
"Mjoy, namiss kit--" kasabay ng pagsasalita nya ay nag-ingay yung cp nya. Kinuha nya yung cp nya sa bulsa nya at sinagot yung tawag. "Hello, Michael, istorbo ka alam mo ba yun?" narinig kong bungad nya sa kausap niya. Napatingin ako sa gawi ng van ng bumukas yung pinto. Sumilip yung ulo ni Jo-Ann habang hawak nya yung cp ko at iwinawagayway. Sumenyas pa sya nang parang telepono kaya baka nag-assume akong may tumatawag.
Sumensyas din ko kay Jo ng 'wait' kaya tumango siya. Magpapaalam na sana ako kay M nung hinila nya ulit yung kamay ko. ' I'll just finish this call' he mouthed. Tumango ako at pagkatapos nya ngang makipag-usap sa phone ay lumakad na ulit kami.
"Ano nga ulit yung sabi mo kanina, M?" pag-oopen ko ulit nung naputol naming usapan kanina.
"Ahh, yun ba? Wala yun. Ang sabi ko baka ma-miss mo ko. Kaya ingat ka dun. Tatawagan kita mamayang hapon para i-check kung maayos kayong nakarating sa,-- teka, saan nga ba kayo pupunta?"
"Hoy, anong ma-mimiss kita? Kapal mo 'pre." sabi ko sa kanya. Kapal huh?!
***********
'till next UD.
monthsary ng M 'n M couple kahapon.. hahaxD
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Short StoryNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple