Naikwento na sa amin ni Cyrel yung problema niya. Hay, buhay. Looking at Cyrel, hindi ako makapaniwalang ganyan siya kagrabeng naapektuhan nang dahil kay Ronic. Tsk! Akala talaga namin magiging maganda ang kalalabasan ng istorya nilang dalawa. Hindi pala.
I should have known better. Ginawa namin ang lahat para umayos ang pakiramdam ni Cyrel. We ordered a lot of food, we pig out, we sang. But the latter was not a good idea, puro kasi tungkol sa pag-ibig at pagkabigo ang mga kinakanta niya.
We invited her to go out and shop, but she declined. Dati rati sya pa ang nangungunang mag-aya sa mall.
Malapit na kaming maubusan ng ideas nila Mich, we even thought that her case was hopeless. But then, mabait pa din si God. After a bunch of activities and things that we thought can drive Cyrel out of her gloomy atmosphere, at last she agreed on going out of town!
Di na kami nag-aksaya pa nang oras. We decided to go to the beach. Yes! The beach, maganda pa naman ang panahon ngayon. It is better if we took a dip in the water naman. At dahil matagal- tagal na din mula nang mag-out of town kami ay excited na kami para umalis.
*****
"Yes 'Ma, opo. I can take care of myself po. Malaki at matanda na ako 'Ma. Kaya ko na po ang sarili ko." narinig kong salita ni Jo-ann habang nakadikit pa din ang cellphone niya sa tainga niya. Nakasimangot na siya. Haha! siguro na-over na naman ang Mama niya sa pagpapaalala sa kaniya. Bunso kasi si Jo-ann sa pamilya nila kaya over sa pagka-protective ang mama niya sa kaniya.
"Kasama ko po sila Mich, 'Ma. 'di naman kami mawawala. May kasama po kaming driver." dagdag pa ni Jo. Wala kasi siyang sense of direction kaya ganyan ka-worried ang mama niya sa kaniya. Maski nga ngayong college eh may driver pa siya pag pumapasok sa school. Naliligaw kasi siya palagi.
Hinintay ko siyang matapos sa pakikipag-usap niya sa mama niya bago ako tuluyag lumapit sa kaniya.
"Problem?" tanong ko sa kaniya habang palapit ako. Umiling siya nang bahagya. "Wala naman. Si Mama lang kasi, nasobrahan na naman sa pag-papaalala. Di na kaya ako bata." sabi ni Jo habang umaayos siya ng tayo.
"Ready na ba ang mga gamit mo?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako. "Yeah" sagot nya sa akin. Pumasok na siya sa loob ng van na sasakayan namin para sa byahe namin ngayon. Umupo na din ako sa tabi niya at nagsimulang i-check ang mga gamit na dala ko. Nasa kaliwa ko sya at nakasandal na siya sa bintana. So far, wala naman akong nakaligtaan. I fished my phone out of my bag when I heard it rang.
1 message received
In-open ko yung message.
From: 0920-***-****
Mjoy, let's talk.
-Errol.Bumilis bigla ang tibok ng puso ko pagakabasa ko sa pangalan ng sender ng text. Paanong hindi? Ehh nakakagulat naman talagang malaman na si Errol ang nagtext. Ang tagal na din na hindi kami nagkakausap. I deleted his number. Kaya nagulat ako kung bakit nagtext siya ngayon sa akin.
Nakatulala lang ako habang pinag-iisipan ko kung magrereply ba ako nang bigla naman akong sikuhin ni Jo-ann.
I look at her, querying what is it. Then, I heard someone knocking on the window beside me.
Knock knock!
Napatingin ako sa bigla sa bintana. O M G... Guess what, si Mhilbert nasa labas ng van. Siya ang kumaktok sa bintana. He look so fresh in his light blue polo shirt. Asar! Bakit ba napo-pogi-an na ako sa kanya ngayon?
Dali-dali kong inilapag yung gamit ko sa space sa pagitan namin ng Jo-ann at binuksan ko yung pinto.
"Hi, girls." he said then smiled at us. Jo-ann greeted him back.
"Uhh Jo-ann, hiramin ko muna si Mjoy saglit ha?"
Ano ba yan!? Kung kailan paalis na kami saka naman kakausapin pa ako.
"Jo saglit lang ha?" sabi ko kay Jo-ann at pagkatapos ay bumaba na ako.
Tinaguan ako ni Jo-ann at tuluyan ko nang isinara ang pinto ng van. Pagkatapos ay sumunod ako kay Mhilbert sa paglalakad malapit sa gate nila Cy. May maliit kasi na bubong dun at pwede masilungan.
***********
TBC...
Next time na lang po ulit.
Sareeh na.
-kim
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Krótkie OpowiadaniaNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple