Nagsikip lalo ang lalamunan ko.
Parang nahirapan din akong huminga..
Kung kanina pinipigil ko lang ang hininga ko dahil sa kaba, ngayon, literal nang hindi ako humihinga.
Napatuwid ako ng tayo. Nagbilang ako hanggang lima. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para humakbang ng dalawa paabante patungo sa direksyon ng lolo ni M.
Tumikhim ako saka nagsalita. "Sir, I-i'm Marie Joyce Saavedra and yes I'm your grandson's girl." nagawa kong sabihin maski ilang na ilang ako sa mapanuring titig ng lolo ni M.
Gulong-gulo man ako sa takbo ng mga pangyayari, napilitan akong nagpakilala sa lolo ni M. Sa maayos na paraang alam ko.
I waited for another second before M's grandpa spoke up."What a brave girl. I didn't expect you'd stand up on your own feet and introduce yourself to me without hesitation. Hindi nga nagkamali ang apo ko sa pagpili sa iyo." anang lolo ni M.
Pagkatapos nun ay tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang niyakap niya ako habang marahang tinapik-tapik ang likod ko. "Take good care of my apo and his heart okay?"
Nagulat ako sa sinabi ng lolo ni M. Ako pa ang binilinan nyang ingatan ang puso ni M? Eh dapat nga ako ang mag-ingat kay M.
Humarap naman siya sa apo niya pagkatapos nya akong akapin. "M, apo, natutuwa ako at sa wakas ay ipinakilala mo na ang nobya mo sa akin." wika ng abuelo ni M nang nakangiti.
Di ako makapaniwala! Yung kaninang istrikto at nakakatakot na anyo ng lolo ni M ay biglang naglaho.! Napalitan ito ng nakangiti at masayahing anyo ng isang matandang lalaki na unang tingin mo pa lamang ay alam mo sa sarili mong makakasundo mo na.
Napatulala lang ako. Ano nang nangyari? Di ko na alam. Basta natagpuan ko na lang yung sarili ko na naglalakad pababa ng hagdan. Napatingin ako kay M nung naramdaman ko na pinisil nya nang marahan yung kamay ko.
"Salamat." he mouthed as we reached the bottom of the stairs. "Buti nagustuhan ka ni Grandpa. Tama ang suggestion ni Tita Macy pati na ng mga friends mo. Sabi kasi nila, you must look presentable and brave infront of my abuelo."
"Pardon me for not telling you about this small thing. I knew that if I told this to you earlier then, you would think of this and only this meeting. Ayokong ma-tense at ma-pressure ka nang sobra kaya binigla ko na lang at di ko sinabi sa iyo ng mas maaga. Buti pala bumagay din yung dress na pinili ko para sa iyo." saad niya habang nangingiti ang loko.
Inirapan ko si M."Loko ka, akala mo ba ganun ganun na lang yun? Tsk! Halos hikain na ako sa harap ng lolo mo M! Grabe ka. Buti na lang nakahanap ako ng tapang at lakas ng loob kanina." sabi ko habang kinukurot ko ang tiyan niya.
"Hangang hanga nga ako sa'yo eh, akalain mo yun? Nagawa mong magpakilala kay grandpa nang di kumukurap at di naduduwag? Ang tapang mo!" sabi ni M habang namimilipit sa sakit dahil sa pag-inda ng kurot ko.
Pasalamat siya at nagawa ko nang maayos ang pagpapakilala sa lolo niya, buti na lang talaga at nakapasa ako sa lolo niya.
****
Nagrequest ang lolo ni M na doon na din kami mananghalian sa kanila. Nagpaluto daw kasi siya ng madami lalo na at nalaman niya nga na dadalaw si M at may kasama pa.
Napakadami ng handang pagkain sa lamesa nila. Magaan naman ang naging pag-uusap namin habang nanananghalian. Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami sa Lolo ni M.
Bumibyahe na kami pauwi nang makatanggap ako ng tawag mula kay Cyrel.
"Hello, Mjoy... Kasama ko sila Mich ngayon. Would you care to drop by?"Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Cyrel, agad na bumangon ang pag-aalala sa dibdib ko.
"Oo naman. Ako na lang pala ang kulang eh. Didiretso na ako dyan. See you Cy." pagtatapos ko sa tawag. Ano kayang problema ni Cyrel?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Cerita PendekNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple