Habang pauwi, napaisip ako. Tama lang bang nagpakilala ko sa lolo ni M na ako ang nobya ng apo niya?
Napakabait ng lolo ni M, parang mali ata na nagsinungaling kami sa kanya. Pati siya nadadamay sa pagpapanggap namin. Nalungkot ako bigla. Ayoko sa lahat yung nagsisinungaling ako lalo pa at wala namang maling nagawa sa akin yung tao. Para tuloy nagi-guilty na ako ngayon.
"Hey, what's wrong?" tanong ni M. Napansin niya sigurong nag-iba bigla yung mood ko.
Humarap ako sa kanya. "M, mali ata na pati sa lolo mo sinabi natin na girlfriend mo ako." malungkot na sabi ko sa kanya.
"Alam kong may usapan tayo. Pero kahit ganun, may nararamdaman pa din ako na dapat ay di natin dinadamay yung mga inosenteng tao. Nagi-guilty ako sa lolo mo." dagdag ko pang sabi.
Napabuntong hininga siya. Kinapa niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. "Mjoy, mabait na tao si lolo. Ipinakilala kita sa kaniya bilang girlfriend ko dahil yun ang kung ano tayo ngayon. Di naman tayo nagsinungaling. Girlfriend naman talaga kita. Hindi bale, kapag maayos na ang lahat, magpapakilala ulit tayo kay lolo."
"Gusto ko ang lolo mo. Mabait siya saka magkasundo kami. Akala ko nung una, masungit siya. Pero hindi naman pala." sambit ko bago ngumiti ng matamlay. Sana nga, sana nga makapagpakilala ulit ako kay Lolo Juanito nang tama at walang halong pagtatago.
"Mjoy, isipin mo na lang na ginagawa natin ito para na din sa'yo. Tingin mo, kung di kita ipinakilala agad kay lolo ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya pa sa iba na may nobya na ako at di ko pa naipapakilala sa kaniya? Magagalit yun panigurado. Nagkakausap pa nanan sila ni Tita Macy ng madalas." sabi ni M habang nagmamaneho.
"Siya nga pala M, kila Cyrel mo na ako ihatid. Nandun sila Mich, iniintay nila ako." sabi ko sa kaniya makalipas ang ilang sandali.
****
"Paano M, ingat ka pag-uwi. Magpapahatid na lang ako sa driver nila Cyrel mamaya." paalam ko kay M bago ako bumaba ng sasakyan niya.
Nakatayo na ako sa harap ng gate nina Cyrel at nag-doorbell nang tinawag ako ni M. Sumilip ako sa bintana nang tinawag niya ako. Nagulat ako nung dumukwang siya at hinalikan niya ang pisngi ko. Napatulala ako. Hindi ko expected yung ginawa niya. Kumabog din nang malakas ang puso ko.
Napatuwid ako ng tayo nung marinig ko yung pagbukas ng gate nila Cyrel. Napahawak din ako sa pisngi ko na hinalikan niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
"I'll text you tonight okay? Take care." he said and smiled. After that, he sped away.
M, bakit ka ganyan? Kasama pa din ba 'to sa mga trip at plano mo?
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang tawagin ako ng kasanbahay nila Cyrel.
"Ma'am Mjoy, pasok na po kayo. Nasa kwarto niya po si senyorita Cyrel kasama niya po sina Ma'am Mich." sabi sa akin nung kasambahay nila Cyrel. Nginitian ko siya habang sabay kaming naglalakad papasok sa mansiyon nila.
"Maraming salamat po manang. Sige po, dun na po ako didiretso. Salamat po ulit." sabi ko sa kanya.
Umakyat na ako sa third floor nina Cyrel. Nandun kasi yung kwarto niya. Kumatok ako ng dalawang beses bago ko binuksan yung pinto.
Kumunot ang noo ko. Nasaan na yung mga yun? Akala ko ba nandito lang sila sa kwarto? Nakarinig ako ng hikbi sa may study room ni Cyrel. Ahh, baka nandito sila. Pumasok na ako at ayun nga, nakita ko sila Jo-ann, Mich at Alyss na nakaupo sa bean bag habang nakatunghay kay Cyrel. Si Cyrel pala yung naririnig kong umiiyak.
Naglakad ako palapit sa kanila, nag-angat ng tingin si Cyrel at nakita ko ang mukha niya. Waah! Halloween na ba? Shemay! Kumabog yung puso ko nung nakita ko yung hitsura ni Cyrel! Gulo-gulo yung buhok niya, kalat yung mascarra niya at mugto na yung mga mata niya! Para siyang sasaling witch sa halloween party.
Napabilis yung paglapit ko kay Cy at niyakap ko siya. Mukhang malaki nga ang problema ni loka. "Bakit ganyan ang hitsu--" sinamaan niya ako ng tingin. Napaurong ako. Di ako makapagsalita. Nakakatakot si Cyrel. Kung dati ay nakakatakot na si Cy, mas nakakatakot siya ngayon.
"Wag na wag mong susubukang itanong kung bakit ganito ang hitsura ko Mjoy... Huwag mong itutuloy yang tanong mo kung 'di, malalagot ka sa akin. Waah!!" masama ang tingin ni Cy sa akin pagkatapos ay humagulgol ulit.
"ahh, hehe... Sabi ko nga, di na ako magtatanong" nakakatakot si Cyrel! Para siyang kakain ng tao.
****
CYREL
huhuhu... Ang sakit kasi eh, ang sakit lang. Alam mo yung pakiramdam na unti-unti ka nang nahuhulog kasi yun yung pinapakita at pinapadama niya tapos nung hulog na hulog ka na bibitawan ka na niya bigla? Ganun! Ganun yung pakiramdam ko.
Matagal nang nangliligaw si Ronic sa akin at sa buong panahon na iyon ay di siya nagkulang sa akin. He— he made me feel special. He made me feel loved, cared and he made me feel important. And after that, he dropped me. Ang sakit lang malaman na kung kailan handa na akong umamin na mahal ko na siya ay saka ko pa mababalitaan na may nililigawan na siyang iba. Sasagutin ko na dapat siya pero hindi ko na nasabi sa kaniya kasi wala na— wala na kasing pagkakataon para masabi ko pa.
Ang sakit makitang may hinahabol na siyang iba. Ang sakit malamang may nililigawan na siyang iba at mas lalong masakit malamang di pala siya ganoon kaseryoso sa naramdaman niya para sa akin.
I cared for him. In fact, he's special to me. I never allowed any man to be close to me as close as he does. Loneliness and pain start to crept to my heart. I'm hurt and I know I need to endure it for a long time. Hindi din naman kasi biro ang ilang buwang pinagsamahan namin ni Ronic.
Pinapunta ko sila Mich dito sa bahay para damayan ko. Hihingian ko sila ng tulong para maka-move on agad ako.
My sobs started to disappear as the minuted passed.
I looked at my friends. They're still here. They still have this worried look on their faces.
Alam kong nag-aalala sila para sa akin. I bitterly smiled at them. Buti pa sila, 'di ako iniiwan.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
ContoNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple