Pasensya po kung napakatagal kong mag-update. Sobrang busy ng lola nyo.
Salamat sa mga nagbasa ng MKTL. :)----------
Ma-mimiss ko daw sya? Kapal huh?!
Kainis yung lalaking yun! Ako pa daw ang makaka-miss sa kanya? Eh, baka nga sya ang maka-miss sa akin ehh. Tss.Umirap ako sa hangin at saka nag-cross arms. So much of thinking M's actions. Si Mama pala yung tumatawag sa phone ko kanina. Sayang lang at di ko na naabutan yung tawag niya. Aalis pa naman si Mama pa Beijing mamaya para dalawin sila Lola doon. Hindi na kasi makapagbyahe ang Lola ko kasi di na nya kinakaya ang travel. Kaya kami na lang nagpupunta sa kanila.
Nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Napairap na lang ako sa hangin nang makita ko kung sino ang caller.
0920-***-****
Calling...
Hay nako! Isa pa 'tong lalaking 'to. Dagadag pa siya sa stress ko. Ayaw kong sagutin yung tawag niya. Baka lalo lang akong mabadtrip. Dapat sa kanilang dalawa ni M, pinagbubuhol ehh."Mjoy! Mjoy!" nagising ako dahil sa pagyugyog at pagtawag sa akin ni Jo-ann. Sa kakaiwas ko pala sa tawag ni Errol at sa inis ko kay M eh nakatulog pala ako. Oo, si Errol yung tumatawag, aba! At di pa nakuntento, tinadtad pa ako ng text.. Oh, sheez! Kung pwede ko lang sabihin na gimme a break eh baka sinigaw ko pa sa harap nya. Ano pang kailangan niya sa akin at tinatawagan niya ako? Hindi ko na siya gustong makausap. Mamaga na ang daliri niya kaka-dial sa phone niya pero di ko na ulit sya kakausapin.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Pinasadahan ko din ng suklay yung buhok ko, baka kasi gulo-gulo na dahil sa pagtulog ko. Nauna nang lumabas ng van sila Mich. Tinutulungan na din sila ni Manong Shaider magbaba ng gamit nila sila Mich. Hindi naman kami masyadong magtatagal dito. Mga 2-3 days lang para maaliw si Cyrel.
"Manong Shaider, okay na po kami dito. Tatawagan ka na lang namin kapag magpapasundo na kami. " sabi ko pagkalabas ko ng van.
"Tch! Manong? Haha... Pinatatanda mo ako Ma'am Mjoy mylabs. Halos tatlong taon lang ang agwat ko sa edad mo. Tas tatawagin mo akong Manong?" balik na sabi sa akin ng driver namin ngayon.
"Mjoy!" sumigaw si Mich.
"kung di lang kita mahal di ako magbo-volunteer na ihatid kayo ng mga kaibigan mo dito. Tch!"
"May sinasabi ka Manong?" sabi ko sa pamangkin ng driver namin. Hindi talaga siya driver sa bahay namin. Pamangkin siya ni Kuya Jun na tunay naming driver. Mapilit lang yan na ipagmaneho kami kasi mylabs niya daw ako. Narinig ko pa na bumubulong siya kanina kaso sumigaw naman si Mich.
"Haha! Wala Maam Mjoy mylabs... Ang sabi ko, ang ganda mo, kaya kahit saan ka pumunta, kahit gaano pa yun kalayo susunduin pa din kita. Sabi nga sa kanta I'm only one call away. " sabay kindat sa akin.
Inirapan ko si Shaider. Lakas makabanat ehh. Bakit nga ba Shaider ang tawag ko sa kanya? Kasi Shanon Rider ang pangalan niya. Pang-asar ko lang sa kanya ang Shaider kasi may palabas daw dati na Shaider, pulis pangkalawakan. Tsaka sabi ni Kuya Jun paboritong palabas daw yun ng papa ni Shanon. Haha. Alam ko naaasar yan kapag tinatawag kong Shaider. Kaya nga kapag magkausap kami, puro kami bangayan.
"Tse! Banat pa Manong...nye..nye..nye" sabi ko habang nagme-make face ako sa harap nya.
"Hahaha, ang cute mong maasar mylabs" Nagulat ako nang bigla na lang pinisil yung pisngi ko.
***********
Tinitignan ko yung dalawang taong nag-aasaran sa may parking lot ng resort na tinutuluyan ko. Kahit sinong makakakita iisipin na may relasyon ang dalaga at binatang nag-aasaran.
Nakakainis naman. Bakit katabi pa nung sasakayan ko yung van na ipinarking nila. Hindi tuloy ako makalapit sa sasakyan ko. Nag-intay pa ako ng ilang segundo para tignan kung tapos na ba yung 'moment' nung dalawang nasa tabi ng kotse ko. Ayoko pa namang makaistorbo ng iba.
I guess babalik na lang ako after a couple of minutes. O kaya ipapakuha ko na lang sa iba yung pakay ko sa sasakyan. Ang tagal ng moment ng dalawang 'to. Sheez.
I decided na bumalik na sa resort pero hindi pa ako nakakailang hakbang palayo nung biglang mag-ring yung phone ko.
Sheet! Si Mommy tumatawag!
Kailangan ko na talagang kuhanin yung pakay ko sa kotse ko kaya bahala na. Naglakad ako palapit sa kotse ko. Awkward pa kasi nakapwesto silang dalawa sa likod ng sasakyan ko, eh dun ko kukuhanin yung pakay ko.
I faked a cough. Kailangan kong mang-istorbo para makuha ko yung gamit na nasa kotse ko. Bakit naman kasi sa lahat ng pupuwestuhang sasakyan eh yung kotse ko pa ang napili ng dalawang 'to para tambayan.
- - - - - - - -
"Hahaha, ang cute mong maasar mylabs" Nagulat ako nang bigla na lang niya pinisil yung pisngi ko. Shocks! Kainis!
Tinabig ko yung kamay nyang nakapisil sa cheeks ko tapos hinampas ko yung braso nya. Kailangan makaganti ako. Tawa pa din ng tawa si Shaider habang hinahampas ko sya. Hindi naman niya sinasalag yung mga hampas ko. Lalo akong naiinis.
Natigil sa ere yung paghampas ko sa kanya nung bigla na lang may tumikhim sa likod ko. Nahiya ako sa ginawa ko kanina. Para kaming bata ni Shaider.
Napayuko ako nung nagsalita yung tumikhim.
"Ahh, excuse me." sabi niya habang kumukumpas yung kamay niya. Hindi ko masyado makita kasi nakayuko ako. Hinila ako ni Shaider palapit sa gilid niya. Ahh, tinuturo pala nung lalaki yung kotse. Siguro nakaharang kami kaya nag-excuse siya.
"Maam Mjoy, ihahatid ko na kayo sa lobby ng resort." mahinang anas sa akin ni Shaider. Tumango ako kasi na-awkward na din ako dun sa lalaking tumikhim.
Habang naglalakad kami ni Shaider, binuggo niya yung braso ko. Nag-poker face lang ako habang nagpapapansin pa din siya. Nung hindi ako nagreact kinalabit naman niya yung balikat ko. Argh!! Napairap ako sa hangin. Ang kulet ng lalaking 'to! Grabe. Hindi ko na nga pinapansin, nangungulit pa din.
Hindi ba ako magkakaroon ng peace of mind ngayong araw na 'to?
- - - - - - - - -
At last! Nakuha ko na yung pakay ko. Regalo ko 'to sa Mommy ko. Balak ko sya isurprise kasi birthday na niya sa susunod na araw. In-advance ko lang kasi naka schedule kami na mag-hiking sa date ng birthday ni Mommy.Matampuhin pa naman yun kahit may mga kapatid naman ako. Hindi lang ako makita eh nagwoworry na masyado. Well, di ko masisisi si Mommy, ako ang paborito nun sa aming tatlong magkakapatid kasi ako ang pinakagwapo sa aming tatlo. Haha. Maka-mommy? Mama's boy? Oo, ganyan ako. Mas close ako sa Mom ko kesa kay Dad kasi hindi kami masyadong nagkakakitaan ni Dad sa bahay.
- - - - - -
So, hi guys! May UD na ULIT! Haha.
May dalawang bagong sumali sa tropa.
:) ang gulo na nila. Haha
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
PovídkyNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple