-Two point two-
"Good morning 'M' ko. Namiss mo ba ako?"~Mhilbert
Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko at napapikit ng mariin. Shete!!! Eto na nga ba ang sinasabi ko eeh!! Nagsisimula na siya sa mga plano niya!! Arggh!!
Kinilabutan ako bigla ng bumulong siya sa tenga ko,
"Tsk! tsk! tsk! You're a bad girl 'Mjoy KO'.. Pinaplano mo bang takasan ako para di tayo makapag-usap ngayon?"
Lalo tuloy akong napapikit ng mariin,asdfghjk lang!!! Parang may tumawid na kuryente mula sa tenga ko papunta sa katawan ko dahil sa ginawa niya!
Waah!! Mami,lomi at pares!! Tulungan ninyo ako!! I need space, I need air, I can't breath!!
Hindi pa din ako sumasagot at kumikilos. Nakapikit pa din ako. Bumitiw na si Mhilbert mula sa pgkakayakap niya sa likod ko at inikot niya ako para magkaharap kami.
Hinawakan niya ang mukha ko, napadilat tuloy ako. Itinaas niya ang baba ko para magpantay ang tingin namin. Napatingin ako sa mga mata ni M, shete di ko na kaya >___< napaiwas tuloy ako ng tingin, para kasing hinihigop ako ng titig niya.
Hinawakan niya ulit ang mukha ko, this time dalawang kamay na ang nakahawak sa mukha ko. Napatingin ulit ako sa mga mata niya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Waah!! Anong gagawin niya?? Hahalikan niya ba ako? Emegesh! Oxygen po!
Malapit na malapit na ang mukha namin sa isa't-isa. Napapikit ulit ako. Iniintay kong lumapat ang lips ni M sa lips ko. Shet!! Kasama pa ba 'to sa plano niya?? Naramdaman kong dumikit ang noo niya sa noo ko. Napadilat tuloy ako.
Nakangisi siya ng wagas sa akin, napairap naman ako sa kanya. Nainis ako bigla. Siguro 'Trip' niya na naman ako. =________=
Natawa na siya ng tuluyan. Napairap na lang ako, pinitik niya ang ilong ko ng mahina at umayos na siya ng tayo.
Niyakap niya ulet ako tapos bumulong siya, "Nandito kanina si Errol bisugo. Nakatingin sa atin."
Napatuwid tuloy ako ng tayo.Nagulat ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko naramdaman na nandito pala si Errol kanina. Nakakagulat lang kasi dati-rati pag nasa malapit na si Errol ay alam ko na agad. Malakas ang radar ko sa kanya ehh. Pero dahil sa 'palabas' ni M kanina, hindi ko napansin maski anino ni Errol.
Na-sense ata ni M na nag-iba ang mood ko kaya inakbayan na niya ako at inakay palayo sa hallway malapit sa room namin.
Pababa na kami ng hagdan nang may tumawag sa amin, " Hoy, Mjoy! Saan ka pupunta ha? Ikaw, late ka na nga pumasok 'tas lalayas ka na naman?! Iba din eh 'noh?? " ~Cyrel
Nakasunod sa kanya ang 'masugid' niyang 'taga-sunod'--este manliligaw pala na si Ronico. Ewan ko ba naman sa dalawang 'to, pinatatagal pa. Eh dun din naman ang punta ng 'ka-chorvahan' nila ni Ronico. Tss! Si Cyrel kasi pinapahirapan pa si Ronico eh.
Kaklase ko silang dalawa. Sa totoo lang sikat yan dalawang yan dito sa campus eh.
Lumakad sila papunta sa amin ni M tapos ay inirapan ni Cyrel si M. Saka umangkla sa braso ko. Si Ronico nakatingin lang sa amin. Hinila ako ni Cy palayo kay M tapos binulungan niya ako
"Hoy, Mjoy, sino yang boylet na kasama mo? Nakita namin ang ginawa ninyo kanina. Tss!! Napaka-PDA nyo. At malufet ka din eh 'noh? Nakita ko din na nakita kayo ni Buenavista kanina. Akala ko ba MU na kayo nun? Eh ba't may ine-entertain ka pang iba?"
Napailing na lang ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Ayoko sa lahat eh yung tinatanong ako tapos hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Napalingon ako kay M nung nagsalita siya. "Mjoy KO, hindi pa ako kilala ng mga kaibigan mo. Panahon na siguro para magpakilala na ako..."
Nagulat ako kasi paglingon ko sa pwesto niya katabi na niya ang pinsan niya pati ang mga tropa ko. Yari.! Mukhang kailangan ko na talaga magsalita ngayon.
"A-ah hehehe, TG-- guys, si M nga pala. Mhi--" pinutol ni M ang sasabihin ko at siya na ang nagpatuloy nito. Lumapit na siya sa akin at inakbayan ulit ako.
"Mhilbert Escudero. Pinsan ko si Michael Angelo.You can call me 'M' for short. I'm Mjoy's boyfriend." napa-nga-nga ako sa sinabi niya. ANO DAW?! HA? ANO DAW?! BOYFRIEND?!! WATDAPAK!?
"ANO?!?!?!" -- TG.
"Mjoy, we need your explanation now!!"
~*~*~*~*~*~*
A/N: chu-chu-chu~
as usual, Nga-nga na naman..
wahahahaha, violent reactions please!!
bitin~ bitin~ bitin~ at bitin~...
wala eh! trip kong mambitin kaya ganyan..
Anyways, baka sa next chapter malaman nyo na kung ano ang plano ni M. Baka pa lang ah!? hindi pa definite yun.. baka magbago pa ang isip ko at iba ang maisulat ko.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Krótkie OpowiadaniaNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple