[Mjoy's POV]
Inirapan ko siya at isinukbit na ang bag ko at naglakad na palayo sa kanya. Nainis kasi ako. Para akong specimen sa paraan ng pagtitig niya. Bwisit siya.
Inirapan ko siya. Nakakainis eh! 'Kala mo kung sino! Tsk! Buset!
Ang aga-aga iniinis ako! Arggh!
-___-
Naglakad na ako. Sinalubong ko pa siya habang papalapit siya sa akin. Nang makatapat ko na siya ay binunggo ko pa siya sabay hawi sa kanya. Hahara-hara sa daanan eh! Tsk!
Nakakaisang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at hinila niya ako pabalik sa harapan niya.
M's POV
Nakakatawa ang reaksyon at ekspresyon ng mukha ni Mjoy kanina habang papasok ako sa salon ng Tita ko. Nakanga-nga pa siya habang nakatingin sa akin. Lol.
Ang Gwapo ko talaga! MwahahaxD 'TL' siya sa akin eh.. Tulo-laway.. WahahaxD
Dapat vinideo-han ko siya habang nagdu-drool siya sa akin!! Haha
Alam kong pikon na siya ngayon. Halata naman eh! Kitang-kita sa mukha niya... Actually ako nga dapat ang mapa-nga-nga kasi ang ganda ng bagong ayos niya ngayon, pero mamatay na lahat ng kuko sa paa ng pinsan kong si Michael, hinding-hindi ko aaminin kay Mjoy palito na mas maganda siya ngayon. Akin na lang yun!
Nakadagdag pa sa nakakatawang reaksyon niya yung pag bunggo niya sa akin kanina. Tsk! Lakas makahawi at makabunggo, kala mo naman kaya niya ako. Ang payat payat niya kaya! Haha
Hinila ko si Mjoy pabalik para makita ko yung mukha niya. And men! Iba talaga ngayon eh,! Ang ganda talaga niya ngayon. Pinagtatakpan ko lang yung paghanga ko sa kanya sa pamamagitan ng pang-aasar sa kanya.
Hindi pa din siya nakatingin sa akin. Halata na sa kanya ang pagka-asar. Napikon siya. Haha!
Hinawakan ko ang mukha niya para mapatingin siya sa akin, pero iniiwas niya ulet ang mukha niya.
Imbes na mainis, napangiti naman ako. Mas gumaganda siya pag napipikon. Hinawakan ko sa pangalawang pagkakataon ang mukha niya, this time, dalawang kamay na. Nagtagumpay na din akong mahuli ang mga mata nya.
"Mjoy..." Tinititigan ko siya habang binabanggit ko ang pangalan niya. Napatingin siya sa mga mata ko. Nakita kong namula ang mga pisngi niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya dito. Hinawakan ko ang ulo niya sa pamamagitan ng isa pang kamay ko. Hinalikan ko siya sa ulo.
"Mjoy, wag ka na mainis. Bati na tayo please?"
Mjoy's POV
Arggh! Hanubayan?! Ano bang nakain ng isang to at ganito kasweet ngayon? Bakit ba parang kinikilig naman ako? Arg!! Asar talaga!? Bipolar na yata si M! Pero parang nahawa na din ako sa pagiging bipolar niya. Kanina inis na inis na ako. Then, bigla-bigla, dahil sa ginawa niya, parang lumipad na lang din bigla ang inis ko.
Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko, tinitigan ko si M.
"Okay, bati na tayo. Halika na. Iniintay na ako ng tropa, may 'meeting' kami ngayon."
Nauna na ako maglakad sa kanya. Pero hinila niya ulet ako pabalik. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.
"Mjoy, naipagpaalam na kita. Mamaya ka na lang makipagkita sa mga kaibigan mo. Nagpasabi na ako kay Michael na sabihin sa mga kaibigan ninyo na malelate ka. May pupuntahan tayo..."
~*~*~*~*~*~*~*~*~
Yey! Kumpleto na ulet ang mga kaklase ko! K.payn, walang may pake. Haha! Dahil sa pumasok na ang 'M' na classmate ko, sinipag ako mag-update. ^___^
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
KurzgeschichtenNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple