A/N: hehehe..
Ayun!! Nakapag-uD din sa wakas..
Hello sa lahat ng nagbabasa nito.. Kaway kaway.. Thanks for reading my story.. ^__^
Mjoy's POV
Huminga ako ng malalim bago ako naglakad palapit kay Sha. He gave me a reassuring smile. Kahit paano gumaan nang konti ang loob ko. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at humakbang na ako papasok.
Ang tahimik sa loob ng hideout. Di ako sanay na tahimik sila. Lahat sila nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kanila. Hays.. *inhale exhale* hooh!! I can do this! ٩(๑❛~❛๑)۶
"A-ahm, hehe. " lumunok muna ako bago nagsalita.
"You better tell us everything Mjoy." ~Mich
"Ganito kasi 'yon..." ~pagsisimula ko.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
The Next Day
Maaga akong nagising..
Maaga akong gumayak para maaga din ako makapunta sa school. May usapan kami ng mga TG Girls ngayon eh. May problema ata si Cyrel. Kaya may 'meeting' kuno ang TG Girls haha!! Anyways ayos na kaming lahat. Okay na. Haha. Nakausap ko na sila. Nakapagpaliwanag na din ako. So far naintindihan na nila ang sitwasyon ko.
Nasabi ko na nga na boyfriend ko si M. Pero act lang.. Tss!! Trip lang kumbaga. Sinabi ko sa kanila na kaya naging mag-on kami ni M para gantihan si Errol at ang mga ex ko.
Kasalukuyang nga pala akong nasa salon at mine-make over--oy! Wag kayong ma-Ano jan ah! Magpapagupit lang ako ng buhok at magpapa-dye na din. Para maiba naman. Excuse me padaan, maganda na ako--pero sabi ni M, (Mhilbert for long) part daw 'to ng plano. Iniisip nyo siguro kung ano yung plano ni M noh?
Geh share ko sa inyo.
[Flashback]
"Palagi ka nilang sinasaktan di'ba? Fine.This time ikaw naman ang gagawa nun sa kanila."
"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan talaga ako. Ano kayang plano ng posporo na to?
Lumapit sya sa akin at inakbayan ako.
"palagi ka na lang pinagpapalit ng mga bisugong yun di 'bah? Pwes ikaw naman ang gagawa nun.This time,show them that you better off with them and you are definitely at your best when I'm with you. *smirk* Hindi lang sila ang may karapatang humanap ng iba,ikaw din Mjoy, ipakita mo sa kanila na kaya mong magmove-on at kaya mo din humanap ng MAS hihigit pa sa kanila"
Napanga-nga ako sa sinabi niya..Shete! sapul na sapul eh!! Tamang-tama.!! Napaisip din ako dahil sa mga sinabi niya. Palagi nila akong sinasaktan. Panahon na din siguro para ibalik ko sa kanila ang sakit na dinanas ko.
"Tama ka, Mhilbert. Durog na durog na nga ako. Panahon na siguro para ako naman ang dumurog sa kanila."
He patted my head lightly and said, "nandito lang ako 'Mjoy KO'. Akong bahala sayo. Sabay tayong lumaki, alam ko ang mga gusto at ayaw mo. Now, alam mo din siguro kung ano ang ugali ko, alam mo na ayoko sa lahat ang nadedehado ang mga kaibigan ko."
"Naiinis akong kada bumibisita ako dito sa bahay ninyo bigo ka sa mga bisugong yun. Mahilig akong man-Trip oo..Pero di ko ugali na manakit at maglaro ng damdamin ng ibang tao."~Mhilbert
Alam ko na mahilig siyang man-trip, pero alam ko din na kahit kailan, di pa siya nanakit ng damdamin ng iba para sa ikasasaya ng loob niya.
Wala akong nasabi. Ni hindi nga ako gumalaw eh. Nahigit ko ang hininga ko nang kumilos siya sa tabi ko at lumuhod sa harapan ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko nang mahigpit at tumitig siya sa mga mata ko... Lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pagkatapos nun ay nagsalita siya, "Mjoy, *sigh* let me protect you. I don't want you to be hurt by those bastards anymore. I'll do everything just to be sure you won't be hurt anymore. Please Mjoy, think about this. In all these stuffs, you're the one who'll benefit most."
"N-nalilito a-ak-ko..." hindi ko alam kung anong magiging sagot ko. Alam kong masama gumanti at magtanim ng sama ng loob sa iba. Pero unfair din naman na ako lang ang apektado sa mga nangyari. Ako na ang nagmahal, ako pa ang nasaktan.
"Don't think about anything Mjoy...
Listen to your heart. Please Mjoy, let me be a part of your life."~End of Flashback~
Napakaseryoso niya nung gabing yun. Di ko akalaing makikita ko ang serious side ni M nang gabing yun. Natapos na kaming mag-usap pero hindi ko pa din naibigay ang sagot ko sa kanya. At ayun nga ang nangyari kahapon. Gumawa kami ng eksena tas nagkalabu-labo na.. Pero buti na lang naayos ko na.
Hindi pa din kami nagkikita ni M. Pero nagtext siya sa akin at pinapunta niya nga ako dito sa salon ng Tita niya. At ayun nga nagpagupit na ako at nagpa-dye ng buhok.
Mga past 11am na nang nagtext si M at sinabi niyang susunduin niya daw ako sa shop ng Tita niya.
Pagkadating na pagkadating pa lang niya sa salon ng Tita nya ay agaw atensyon na siya. Lahat ng mga kababaihang nasa loob ng shop ay napapatingin na sa kanya.
Maangas siyang naglalakad palapit sa akin. Tsk! Para siyang rumarampa sa catwalk. Naka-shades pa siya. May hawak siyang paper bag sa kaliwang kamay niya. Nang makalapit na siya sa akin ay tinanggal niya ang shades nya at sinipat pa niya ang mukha ko na para bang iniinspeksyon nya ito.
Inirapan ko siya at isinukbit na ang bag ko at naglakad na palayo sa kanya. Nainis kasi ako. Para akong specimen sa paraan ng pagtitig niya. Bwisit siya.
-Itutuloy-
A/N: hahaxD sorry kung putol
Bukas na lang ang karugtong.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Storie breviNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple