Mjoy's POV
May pupuntahan pa pala kami ni Mhilbert. Kaya pala hindi na ako masyadong ngina-ngarag ng mga kaklase ko sa 'meeting kuno' namin, kasi naipagpaalam na niya ako.
Pero habang tinatahak namin ang daan papunta sa pupuntahan namin ay parang kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit--pero pakiramdam ko para akong mag-rerecite sa harap ng klase namin. Ganun yun feeling ko. :3
I wonder kung saan talaga kami pupunta. Hindi naman sinabi ni Mhilbert kung saan talaga kami pupunta eh. Mas lalo pang nakadagdag sa kaba ko ang maya't-maya niyang pagpisil sa kamay ko. Pakiramdam ko kino-comfort nya ako sa mga maaaring maganap sa araw na ito.
As the hours passed by, napansin ko na parang farm na ang dinadaanan namin. Nilingon ko si M at nakita kong nakatutok pa din sa daan ang mga mata niya. Napalingon din siya sa akin at nginitian niya ako.
"Mjoy, gutom ka na ba?" tanong sa akin ni M.
Napailing naman ako sabay sabing "Hindi pa naman, kumain naman ako sa bahay ng breakfast kaya di pa ako gutom." Hindi pa talaga ako gutom kasi madami akong nakain nung nag-breakfast ako kanina.
Naramdaman ko na nag-menor na si M sa pagmamaneho. Napatingin naman ako sa bintana ng sasakyan. Mukhang nakarating na kami sa destinasyon namin.
Napanga-nga ako sa nakita ko. Sobrang laki nung bahay na nasa harapan naming ngayon. Ay! Teka mali ata, hindi pala bahay 'toh kundi mansiyon. Ang laki at ang ganda. Naramdaman kong bumukas yung pintuan ng kotse ni M at nakita kong bumaba na siya para pagbukasan na din ako ng pinto. umikot siya sa gawi ko at inalalayan akong makababa ng kotse. Inakay niya ako paakyat sa malaking hagdan sa harap nung mansiyon. Dun sa may pinto, may nakatayong lalaki. May edad na siya pero hindi pa siya ganoon katanda. Yumuko siya nung tumapat kami ni M sa kanya. Binati niya din kami.
Mayordomo ata siya nung mansiyon. Inakay niya kami papasok sa mansiyon at inakay niya kami papunta doon sa malaking pintuan.Kumatok siya... Di ko alam pero parang kinakabahan ako..
**********************************
and!!!! Cut!!! hahahahXD
sareeh..
super bagal na update..
pasensya na po.. super busy lang..
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Historia CortaNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple