Inakay kami nung mayordomo papasok sa malaking pinto. Nagsalita yung mayordomo nila M. Nalaman ko na siya pala si Manong Mike. Mabait si Manong Mike, mukha lang siyang mahigpit pero kapag nakausap mo na, malalaman mo na mabait at palatawa pala siya.
Bumukas na yung malaking pinto. Bumulaga sa akin ang malaking kwarto na may malaking portrait ng isang matandang lalaki na aristokratong nakatingin sa harapan.
"Juanito. Nandito na ang mga bisita mo." sabi ni Manong Mike.
"Grandpa. Nandito na po kami." segunda ni M. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa malaking lamesa na may malaking upuan na nakaharap sa pader. Dahan-dahan itong umikot at bumulaga sa amin ang isang matandang nakasalamin.
Ninerbyos dawa ako bigla. Intimidating ang 'Granpa' ni M. Nanlamig bigla yung kamay ko. Dahan-dahan na din akong kinakapos ng hininga.Kinakabahan ako habang patuloy kaming naglalakad palapit sa pwesto ng lolo ni M.
Napahigpit yung hawak ko sa kamay niya. Naramdaman ko ding hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Nginitian nya ako, nakahinga ako ng maluwag.
"Good afternoon Grandpa, namiss ko po kayo." sabi ni M sa lolo niya habang nagmano siya dito.
"Good afternoon po." saad ko nang mahina. Nakakaloka ang lolo ni M. Hindi ngumingiti. ninenerbiyos talaga ako.
"Hijo, maiwan ko na kayo. Tawagin ninyo na lang ako kapag may kailangan kayo." sabi ni Manong Mike.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas isya ng malaking pinto. Nakatayo pa din kami ni M sa harap ng mesa ng lolo niya. Nakatingin lang siya sa amin. Nag-iwas ako ng tingin. Naiilang ako eh.
"Young lady..." napatingin ako sa lolo ni M.
"Introduce yourself to me." sabi niya habang nakatigin sa akin ng mataman.
Napalunok ako, napahinga ako ng malalim at saka ako nagsalita, "Good afternoon po. I'm Marie Joyce Saavedra."
"Hmm..." walang nagsasalita sa aming tatlo. Lalo akong kinabahan. Baka ayaw sa akin ng lolo ni M. Jusko, na-stress ako bigla. Pero kung inaakala kong nakaka-intimidate ang tingin ng lolo ni M at nakaka-nerbiyos ang katahimikan sa loob ng silid na kinalalagyan namin, mas nakakagulat nung nagsalita ang lolo ni M.
Nagulat ako sa sunod niyang sinabi, "So, you are my grandson's girlfriend."
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Storie breviNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple