-One-

155 6 5
                                    

Eto na naman ako..

Umiiyak na naman..

Di ko na alam kung bakit parati na lang ganito..

Paulit-ulit na lang..

Paulit-ulit na nagmamahal,

paulit-ulit na nasasaktan..

"Ayoko na talaga!" pisti! Sigaw ko habang humahagulgol ng iyak sa loob ng kwarto ko."Bakit palagi na lang ganito? Nakakasawa na. Pagod na ako." Patuloy pa din ako sa pag-dadrama habang nakadapa sa kama ko.

Nang walang anu-ano'y bumukas ng pabalibag ang pinto ko.Hay nako!! Nandito na ang asungot na 'toh.

Lumapit siya sa akin sabay sabing "hoy! palito!Ano na namang kadramahan yan ha?? Bigo ka? Bigo ka? Eh anong bago? Palagi ka namang nabibigo." kahit kailan,ang lakas talaga mambasag ng lalaking to.Asar.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko.Bwiset talaga tong lalaking to..Panira ng moment.Argh!! "hoy panget na posporo! lumayas-layas ka nga dito!! Bwiset ka kahit kailan..Nakaka-asar yang pagmumukha mo! =___=

"wahahahaha.!! Haha nakakatawa ka talaga 'M'. Para kang ewan! Sinabihan na kita dati na wag ka mahuhulog dun sa bisugo na yun..Anyare? Nakinig ka ba? Hindi naman di ba? Itsura pa lang nun alam ko nang manloloko at babaero yun! Tss!" panenermon at paninisi niya pa sa akin habang naka-akbay pa sya sa akin.Kahit kailan talaga pam-pam 'tong lalaking toh eh!! Kung di ko lang talaga kaibigan toh baka nabatukan ko na to eh!

OO NA.!! Siya na magaling.Siya na ang tama.Siya na hindi nagkakamali.Buset! panira talaga.

Naiyak ako lalo.Napakawalang-kwenta talaga nitong posporo na 'to. Kaibigan ko siya pero imbes na damayan ako,eh sinermunan at kinantyawan pa ako.

Masaya pa siyang nakikita na mugto na ang mga mata ko kakaiyak.Waah!!!

Sinamaan ko siya ng tingin.Sabay tulak sa kanya para mahulog siya sa kama ko. ←_←

Di pa ko nakuntento,pinagbabato ko pa sa kanya mga unan ko."Hoy magaling na lalaki ! Ang kapal ng mukha mo! Anong bisugo ang pinagsasabi mo?! Hindi bisugo si Errol.! Saka kung makapanlait ka kala mo ang gwapo mo aah?"

"Bakit? Falag ka? Ha?Ha? Maski itanong mo pa kila Mich, gwapo talaga ako! Ampanget-panget naman niyang iniiyakan mo eh.Mukhang bisugo! Haha ang dapat sa kanya sa aquarium o kaya dagat!!" sabi niya habang tumatayo mula sa pagkakahulog sa kama ko.

Sumosobra na talaga ang lalaking toh.Napaka-pampam ever talaga.Tumayo na ako mula sa kama ko at sinugod siya.Pinagsasakal ko siya habang siya naman ay di na makahinga,di niya 'ko pinipigilan sa ginagawa ko,hinahayaan niya lang ako.

Nagsawa na din ako sa ginagawa ko kaya binitiwan ko na siya.Napasalampak ako sa sahig at napatulala na naman.Napabuntong-hininga naman siyang lumapit sa akin at inakbayan na naman ako sabay sabing "wag mong ipakita sa bisugong 'yon na mahina ka.Wag kang paapekto sa kanya."

Tinitigan ko siya.Matagal.Napaisip ako sa sinabi niya.May punto siya,di ko dapat hinahayaang maapektuhan ako ng manlolokong Errol na yun.

"A-anong g-gusto mong gawin ko ngayon?" napangisi siya sa tanong ko. PATAY. Mali ata na nagtanong pa ako.Paniguradong kalokohan na naman ang naiisip ng posporo na 'toh. Tumayo siya at tinitigan ako.Seryoso ang pagkakatingin niya sa akin.Hindi ko alam ang iniisip ng lalaking ito.

"Kung ganyan lang naman na lagi kang niloloko at pinapaiyak ng mga bisugong nagugustuhan mo--tigilan mo na yan.Di na ako papayag na may makalapit pa sa'yo na isa pang bisugo.Ipapakita natin sa kanila kung gaano kalaki ang nawala sa kanila dahil niloko ka nila." ang sabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"alam ko naman lagi niya akong pinagtatanggol,pero bakit pakiramdam ko iba ngayon? "Palagi ka nilang sinasaktan di'ba? Fine.This time ikaw naman ang gagawa nun sa kanila."

A/N:Masayang gabi sa inyo..

Chapter one done..

hehehe.Masaya ako ngayon.Mukhang magiging maganda ang takbo ng istorya ng M n' M couple.

Mahal Kita Trip Lang (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon