Warning:This chapter's full of ugly scenes..Wala sa hulog ang utak ko kasi super daming gagawin pero kailangan ko pa pumunta sa Cluster Competition para suportahan ang school namin..Tapos may exam pa kami..Kaya po pagpasensyahan nyo na po talaga..Nangako lang talaga ako na mag-uUD ako ngayon kaya pinilit ko.
-Two-
Nagmamadali akong tumakbo paakyat ng hagdan.Late na ako!!! waah!!
Dahil sa napag-usapan namin ni M kagabi, hindi tuloy ako nakatulog!!
"Nakakaloka!!! Waahh!!"
Napahinto ako sa pagtakbo at napasabunot na naman sa buhok ko.
Napapadyak pa ako.Ginugulo-gulo ko pa ang buhok ko habang pumapadyak.Nagulat na lang ako ng may bumangga sa akin at tumalsik ako..OO tama kayo ng basa.Tumalsik ako! Walang hiyang lalaki.!! Nakita nang may tao dito eh!!
Galit akong humarap sa walang hiyang lalaki na bumangga sa akin, handa na sana akong sigawan siya pero narinig ko ang hagikgik niya.
Sinapak ko siya at inirapan.Buset! Isa pang asungot.!! Tss!! Nagsimula na ulet akong lumakad palayo. Nakakabad vibes eh!! Ang aga-aga asungot na agad! Bakit ba pag nagmo-moment ako, palagi na lang may pa-epal na panira ng moment ko? Pansin nyo? Ako napapansin ko eh. =______=
Pinigilan ako nung lalaking asungot, hinawakan niya ang braso ko at niyakap niya saka siya naglakad na kara-karay ako, tumatawa pa din siya habang naglalakad kami "wahahaha!! Mjoy,nakakatawa ka talaga. Para kang may sariling mundo kanina.Para kang baliw..Ginugulo-gulo mo pa yung buhok mo tas nagsasalita ka pa mag-isa! hahahaha!!"
Inirapan ko ulet siya.Nakakainis lang. Panira talaga. Magkadugo talaga sila ni M. Parehas na epal sa buhay ko.
Pakilala ko na din siya habang nandito pa. Siya si Michael Angelo, pinsan ni M, kaklase ko siya. Si M di ko kaklase. Sa ibang school yun eh, palibhasa mas mayaman kaya mas maganda ang school..Saka mahigpit sa school namin, di tumatanggap ng late enrollees kaya di din sya nakapasok dito. Pasaway kasi eh, late na mag-enroll kaya di tuloy kame pare-parehas ng school.
Pinagsasapak ko si Michael dahil naiinis pa din ako sa kanya.
"Nakakainis ka!! Argh!! Panira talaga kayo ng moment! Parehas kayo ng pinsan mo!!"
Tinawanan na lang niya ulit ako.Ganyan yan si Michael eh, tawa lang ng tawa, o kaya ngiti lang ng ngiti. Natural smiler eh.
"Bakit na naman Mjoy? Ano na naman ginawa ng pinsan ko sa'yo? Hahaha napag-trip-an ka na naman ba nun? Ang aga-aga nakasimangot ka na agad kasi ehh!" nakangiti niya pa ding sabi.
Napabuntong hininga naman ako. Haisst. Buhay. Buti sana kung napag-trip-an nga lang ako ni M, pero hindi eh! Seryoso siya ngayon sa mga balak niya.
"Mababaliw na ata talaga ako." bulong ko. Sabay kamot sa ulo ko.
"Ano yun Mjoy?? May sinasabi ka?"ang tanong sa akin ni Michael.
"A-ah? hehehe W-wala! wala akong sinasabi. Hala!! tara na!! Super late na tayo!!"palusot ko.
Hinila ko na siya ng mabilis dahil late na late na late na talaga kame! Nakakatakot pa naman prof namin.! Tsk! Mahilig pa naman yun mambarag at saka prangka yun. Hindi na ako nakatiis, tumakbo na ako habang hila-hila siya.
Hingal na hingal na kaming dalawa ni Michael pagkadating namin sa room namin. Dahan-dahan naming binuksan yung pinto. Whooh! buti na lang, pagkarating namin ng classroom wala pa yung nakakatakot naming prof.
Siguro na-late din. Hahaha, pumasok na kame at pumunta sa upuan namin. Pagkaupo ko pa lang ay tumunog na ang cellphone ko.
From: 0930-****-****
~hoy palito, magkita tayo pagkatapos ng klase mo.
Siguraduhin mo din na may isasagot ka na sa akin kapag nagkita tayo. >:D-M
Biglang nanlaki ang mga mata ko pagkakabasa ko sa text messge niya.
Hala!? Anong gagawin ko? Ayaw ko pa siyang makita at maka-usap ngayon.
Shete talaga.!!
Dali-dali akong tumayo mula sa upuan ko at isinukbit ang bag ko sa balikat ko.
Kailangan ko nang makatakas habang maaga pa. Masyado pa akong naguguluhan kaya ayaw ko pang makita si M. Nape-pressure din kasi ako sa kanya! Ang demanding niya eh!
Nakalabas na ako ng room namin ng nakatingin pa din ako sa cellphone ko nang may yumakap sa akin mula sa likod ko.
"Good morning 'M' ko. Namiss mo ba ako?"~
A/N:Ayun!! Bitin!!! wahahaha
Mianhe. Alam ko po bitin talaga.
Kaso lang kasi ramdam ko na kailangan ko na i-post 'tong chapter na 'to kasi may nag-aabang nito.
~May hihilingin ako..
penge po ng 5 votes para sa chapter na 'to.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Trip Lang (On-Going)
Короткий рассказNagsimula sa trip ang lahat Trip nilang dalawa Hanggang sa sila na ang napag-'tripan' ng tadhana. Story of M and M couple