"Nothing Like Us" JuliElmo 8

2.7K 31 3
                                    

Nasa loob ngayon ng sasakyan si Elmo at Julie. Kakatapos lang ng practice game ni Elmo at naisipan na nilang umuwi.

“Julie? Ok ka lang ba? Bakit ngumingiti ngiti ka dyan?”

Umiling iling si Julie. “Wala Moey masaya lang ako kasi napanuod kita kanina.”

“Ahh ganun ba? Hehe. Sa darating na Championship game sumama ka ah? Panuorin mo ulit ako.”

Tumango tango si Julie. “Yes. Gusto ko yun. Sure ako na matatalo mo silang lahat ang galing galing mo kaya!”

Napangiti naman si Elmo. “Nice..hehe! Salamat ah? Teka, nasaan nga pala ang Mommy at Daddy mo? Bakit hindi ko sila nakikita?”

“Hmm..wala sila eh nasa Macau may company trip kasi si Daddy tapos si Mommy naman nasa Hongkong may meeting kasi siya dun.”

“Ahh kaya pala. Ang busy ng mga magulang natin noh? Yung Daddy ko din kasi nasa isang business trip sa Europe. Oh nandito na pala tayo sa bahay niyo eh.”

“Pasok ka muna Moey?”

“Sige sige.” Pumasok sila sa loob ng bahay at naabutan nila na naghahanda ng merienda si Yaya.

“Yaya!” Tawag ni Julie.

“Oh? Nandito na pala ang aking alaga. ” lumapit si Yaya kay Julie. “Naku! Amoy pawis ka pero uki lang mabango ka pa din parang si pogi lang.”

“Hahaha! Yaya talaga. Cake po ba yan? Tamang tama gutom na po ako eh!” At umupo na agad si Elmo.

“Ou para talaga sainyo yan. Ikaw naman Julie pumunta ka sa itaas at maligo bago ka kumain.”

“Pero yaya…”

“Sige na Julie.” Sabi ni Elmo. “Hindi ako kakain hangga’t hindi ka natatapos maligo.”

Ngumiti naman si Julie. “Ok. Uhmm, Moey? May sasabihin ako sayo pagkatapos ko maligo.” At umakyat na si Julie. Nag antay naman si Elmo. Mabilis namang natapos si Julie at nagpunta kaagad kung nasaan si Elmo.

“Tagal mo gutom na ko eh.. Hahaha!”

“Sorry. Hehe.” At nagsimula na silang kumain ng cake.

“Hmm. Ano nga pala yung sasabihin mo Julie?”

“Uhmm..mamaya nalang.” At naalala ni Julie ang pangyayari kanina.

Flashback..

“What? Paki ulit Julie? Gusto mong maging girlfriend ni Elmo?” Gulat na gulat na tanong ni Maqui.

“Yes. Gusto ko maging Girlfriend niya. Paano ba maging isang girlfriend? Help me naman oh.”

“Uhmm Julie ano kasi…ganito yan..paano ko ba ipapaliwanag…yung gusto mo kasi mangyari..ano eh..mahirap yan.”

“Bakit naman?”

“Kasi ano..uhmm..si Elmo naman kasi ang masusunod kung sino ang gusto niyang maging girlfriend. At ang mga bagay kasi na ganun dapat ano..may gusto sayo yung isang tao para maging mag boyfriend/girlfriend kayo. Gets mo ba?”

“Hmm…so sinasabi mo dapat may gusto sakin si Moey?”

“Uhmm..pwedeng ganun. Nagka crush ka na ba?”

“Ano yung crush?”

“Siguro crush lang yang nararamdaman mo para kay Elmo. Wag ka muna mag iisip ng pagiging Girlfriend niya kasi masyado pang maaga at baka hindi ka pa naman talaga sigurado.”

Tumango tango lang si Julie. “Pero para maka sigurado ako tatanungin ko nalang si Elmo.”

End of Flashback..

"Nothing Like Us" (A JuliElmo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon