"Nothing Like Us" 19

1.6K 62 18
                                    

"Nothing Like Us" 19

Elmo's POV:

Maayos na ang lahat. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Araw kung saan yayayain ko siyang magpakasal sakin. Tumingin ako sa orasan. 7pm na. Ang sabi sakin ni Maqui, siya na daw ang bahala kay Julie.

"Elmo."

Lumingon ako at nakita ko si Daddy na papalapit sakin. Ngumiti ako sakanya.

"Dad..."

"Hi Son. Goodluck, okay?"

Tumango naman ako. "Thanks Dad. Sana maging perfect ito."

"Oo naman. Wag mong kakalimutan na ikaw ang mamamahala ng kumpanya ah? Dalawa kayo ni Julie."

"Yes Dad. Handa na ko dyan."

Ngumiti sa akin si Daddy. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang isang puting kotse.

"Dad..nandito na siya."

Tinapik ni Daddy ang balikat ko at umalis na. Hinintay ko na bumaba siya sa kotse. Inabot na ata ako ng 10 minuto, hindi pa din siya lumalabas. Maya maya, nakita ko na bumukas ang pinto. Si Maqui. Naglakad ako papunta sa entrance ng resort.

"Maq? Bakit hindi pa siya bumababa? Kasama mo ba siya? Nandyan ba siya sa loob?"

"Chill ka lang. Nandyan siya sa loob. Ang kaso.."

"Ang kaso?"

Napakamot sa ulo si Maqui.

"Ayaw niyang bumaba. Naiirita daw siya sa suot niya kaya naman.."

Napakunot naman ang noo ko. Binuksan ko ang pinto kung nasaan si Julie. Nagulat ako sa nakita ko. Namula pa nga ako. Tumingin ako kay Maqui. Oh. Natutulog nga pala si Julie.

"Ano yung suot niya?"

"Eh kasi naman regalo ko sakanya yan kapag pumayag na siyang magpakasal sayo. Wait.."

Pinakita niya sakin ang dapat suot ni Julie. Ang ganda niya. Ang sabi ni Maqui, suot na ni Julie yun kaso nung nairita naghanap ng damit na kumportable siya. Naghubad daw sa loob ng kotse at sinuot yung nakita niyang damit. Yung regalo ni Maqui.

"Ang lipis ng damit niya, Maq. Wala ka bang ibang dalang damit?"

Umiling si Maqui. "Wala. Hindi ko naman inaasahan na magpapalit siya ng damit."

"So paano na yan?"

"Ano ka ba! Wala sa damit yan noh. Yayain mo pa rin magpakasal."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tingnan mo nga tong suot ko? Ang formal formal tapos siya..." Namula nanaman ako.

"Sus. Ayos lang yan. Problema mo ba yan? Tanggalin mo yung suot mo."

"Ha?"

"Dali na."

Tinanggal ni Maqui ang suot ko. Mabuti nalang at may sando ako sa loob.

"Oh. Ikaw na ang bahala sa pang-ibaba mo. May shorts ka naman siguro diba?"

Tumango naman ako. Kahihiyan ang ginagawa ko pero ano pa ba ang pipiliin ko? Ang hiya o ang pagmamahal ko sakanya? Naka sando at shorts nalang ako. Hawak ni Maqui ang damit na hinubad ko.

"Oh ayan. Ayos na yan. Itong suot kong jacket ipasuot mo kay Julie. Baka lamigin yun sa sobrang lipis ng suot."

"Wait Maq. Alam mo naman na nandito yung mga classmates natin diba? Yung barkada? Yung mga kaibigan nila Daddy. Ano nalang ang sasabihin nila sa suot namin ni Julie?"

"Nothing Like Us" (A JuliElmo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon